Horoscope | June 23, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 23, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 23, 2021 (Miyerkules): Mabilis ka sa lahat ng bagay, kaya iiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal at kakumpitensiya. Ito ang kahulugan ng araw iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo agad ang iyong naisip. Dahil ang susunod na papasok sa isip ay walang magandang maibibigay sa iyo. Muli, gawin mo agad ang unang papasok sa isip mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-20-25-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaibang kaba ang iyong mararamdaman. Ito ay dahil nasasagap mo na ang malalaking suwerteng unti-unting lumalapit sa iyo. Ihanda mo ang iyong sarili at itakwil ang hindi magagandang ugali. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-22-25-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon mo hilingin sa langit ang iyong malalaki at maliliit na kahilingan na akala mong hindi ka pinakinggan sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-15-18-21-38.
CANCER (June 21-July 22) - Tutukan mo ang pangkabuhayang aspeto ng iyong buhay. Kasabay ng pagganda ng iyong hitsura ay susuwertehin ka rin sa iba pang aspeto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-26-31-37-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magdahan-dahan ka nang makita mo ang lahat ng anggulo. Kapag malinaw na sa iyo ang payo, bilisan mo na ang pagpapatupad sa magagandang nasa isip mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-14-23-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muling nagbalik ang mga espesyal na araw mo at ito ay ngayon na. Sinupin, pahalagahan at mahalin mo ang mga biyayang mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-24-26-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lahat ay may katapusan. Ito ang iyong sandalan. Ang mga suliranin, gaanuman kalaki ay natatapos din. Sa araw na ito, ang iyong mga alalahanin ay isa-isang mawawala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-28-30-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumapit ka sa mga makalumang aral ng buhay. Ang mga ito ay magsisilbing mabisa mong sandata laban sa mga mapanlinlang at mandaraya na gusto kang maisahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-14-25-32-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Ito ang dahilan kaya akala mo ay nawala at parang ikaw ay minamalas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-29-30-31-37-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabilis kang mapapasang-ayon sa hindi mo naman talaga gusto. Para makaiwas ka sa pagkakamali, mas magandang ipaubaya sa malapit sa iyo ang pagsagot sa mga taong humihingi sa iyo ng pabor. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-10-14-21-23-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Unti-unti nang nagkakalinaw ang motibo ng isang bagong kakilala. Hindi ka dapat muling masaktan. Magpasya ka agad kapag malinaw na ang lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-28-31-33-40-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpapalit ka ng desisyon at ito ay magiging biglaan. Kahit ikaw ay magugulat sa gagawin mo. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing tama ang iyong bagong desisyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-14-25-31-37.




Comments