top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | June 22, 2021 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 22, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 22, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 22, 2021 (Martes): Marami ang susuwertehin dahil sa iyo. Mas maganda na ikaw ang unang makinabang sa iyong mga suwerte. Magnegosyo ka!



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dapat mong malaman na ang pinakamabisang pampasuwerte mo ay bagay na gawa sa bakal na noon mo pa iniingat-ingatan. Ilabas mo ito sa taguan at iyong hawakan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-21-28-30-34-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pumitas ka ng bulaklak kahit sa tabi ng daan. Puwede ka ring manghingi sa may tanim o kaya bumili ka ng bulaklak. Ito ang iyong malakas na pampabuwenas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-25-39-40-46.


GEMINI (May 21-June 20) - Pinapayuhan ka ng iyong kapalaran na magpaaraw. Kapag nasinagan ka ng araw, bukod sa mapapawi ang masama mong pakiramdam, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang mag-uunahang dumating sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-25-28-39-40-41.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magdiyeta ngayon dahil ang mga suwerte mo, mahirap mang paniwalaan ay dadapo sa iyo kapag puno ng pagkain ang iyong tiyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-21-24-35-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sikat ng maliwanag na buwan ang iyong pinakamalakas na pampabuwenas. Lumabas ka ng bahay o buksan ang mga bintana sa ika-25 ng Hunyo. Sa gabing ito, hayaan mong pumasok ang sikat ng buwan sa inyong bahay na magbibigay sa iyo ng suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-22-26-35-40-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makinig ka ng masasayang musika, sabayan mo at ikaw ay kumanta. Ang pinakamalakas mong pampasuwerte ay ang mga awiting nakapagpapaindak ng iyong puso’t kalooban. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-17-20-25-34-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang damit na magpapakita ng iyong natatagong ganda. Ikaw ay pinapayuhan na manatili sa sarili mong bahay. Sa ganitong paraan, ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-21-24-25-33-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit gusto mo na ang ayos ng iyong bahay, muli mong bigyan ng bagong kaayusan. Mas maluwag, mas maganda. Kapag nasunod mo ito, ang mga suwerte ay papasok sa bahay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-22-25-35-37-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Simple lang ang paraan upang ikaw ay suwertehin. Huwag kang yuyuko na para bang ayaw mo nang harapin ang mga hamon ng iyong kapalaran. Literal na huwag kang yuyuko. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-15-18-21-24-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gusto mo bang malalaki at dambuhala ang mga suwerteng mapasaiyo? Siyempre, “Oo” ang sagot mo. Kapag may nagbigay sa iyo, huwag mong tanggapin agad, pero kukunin mo rin naman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-21-23-39-42-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabigat man sa iyong kalooban, patawarin mo na ang nagkasala sa iyo. Sa maniwala ka o hindi, sa ganitong paraan, ang mga nakagugulat na suwerte ay magsisidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-27-31-34-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaiba ang paraan para ikaw ay suwertehin. Ito ay nagsasabing literal mong unat-unatin ang iyong mga paa. Puwede na lumalakad-lakad ka sa loob ng bahay o sa iyong kuwarto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-26-28-30-36-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page