top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | June 21, 2021 (Lunes)

BULGAR
Jun 21, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 21, 2021


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 21, 2021 (Lunes): Napakataas ng maaabot mo sa buhay. Huwag na huwag mong kalilimutan ang payo na dapat nakasayad ang mga paa sa lupa nang umasenso.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat makuntento sa inabot mong kalagayan sa buhay. Ipinaaalala ng iyong kapalaran na hindi para sa iyo ang sinasabing dapat makuntento sa kung ano ang mayroon ang isang tao. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-23-28-35-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumilikha ang langit ng bagong landas ng iyong buhay kung saan hindi mabibilang ang mga oportunidad na sasalubong sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-24-29-30-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Bawat galaw mo sa araw na ito, aangat ang iyong buhay. Kahit ang galaw mo na parang mali at wala ka sa ayos ay magreresulta pa rin sa pagganda ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-22-24-36.

CANCER (June 21-July 22) - Ihanda mo ang iyong sarili sa darating na pagkaganda-gandang okasyon sa buhay mo. Ito ay ang magsasaya ka dahil sa mga suwerteng mapasasakamay mo. Maging positibo ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-28-30-31-39-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong maging mapagmalaki sa harap ng iyong kapwa. Totoong may maipagmamalaki ka at ito ay marami. Ipinapayo na sarilihin mo na lang ang iyong pagmamalaki. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-20-21-25-39-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Halukayin mo ang naggagandahang ideya na matagal nang nasa iyong isipan. Ngayon mo kailangang gamitin ang ilan sa mga ito nang sa gayun ay mapabilis pa ang pagganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-26-34-36-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aatras at mababawasan pa ang ganda mo kapag tinalo ka ng galit. Kapag naman ang naghari sa iyo ay pag-ibig, mas gaganda ka pa kaysa sa ganda mo sa kasalukuyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-8-25-28-30-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakagugulat ka dahil makikitang mas maraming oras ang nakokonsumo mo sa pagkausap sa iyong sarili. Hindi naman masama ito, sa halip, nakabubuti pa sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-20-25-41-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo na ngayon. Nakahanda ang langit na bigyang-katuparan ang mga ito kahit may pagka-imposible o mahirap mangyari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-24-29-32-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-ingat ka sa pagsasalita. Kung puwede, ‘wag kang magsalita ng masama sa kapwa dahil sa araw na ito, ang iyong salita ay may malakas na kapangyarihan at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-21-27-39-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumalakad ang kalabasa, naiiwan ang bunga. Ang kahulugan nito ay kahit saan ka makarating, anuman ang iyong gagawin, babalewain mo ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-5-16-27-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka at ang pananalo ay mapasasaiyo. Huwag kang makipagsapalaran at walang magandang mangyayari sa iyong buhay. Saan ka pa? Saan ka pa nga ba, dapat sa una. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-22-27-31-37-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page