top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | June 20, 2021 (Linggo)

BULGAR
Jun 20, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 20, 2021


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 20, 2021 (Linggo): Patuloy kang pagpapalain ng langit dahil sa kabutihang-loob mo sa iyong kapwa nang hindi ka naghihintay ng kapalit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang tatalunin ng iyong damdamin. Hindi dahil ikaw ay mahina kundi dahil ngayon ay kailangan mong tumulong sa mga kapos sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-24-30-34-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang umiwas sa mga palahingi kahit ang marami sa kanila ay hindi ka pinasasalamatan. Isang banal na gawain ang magkaloob ng tulong sa nangangailangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-25-30-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Huminto ka muna sa pagkamit ng iyong mga pangarap. Sa araw na ito, aasikasuhin mo ang kapakanan ng malalapit sa puso mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-22-25-36-37.

CANCER (June 21-July 22) - Anuman ang gawin mo, ito ay magbubunga ng magagandang kapalaran para sa iyo. Hindi ka pahihirapan ng langit dahil ikaw ay espesyal ngayon sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-18-20-21-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Paulit-ulit ka na parang hindi nadadala. Ngayon ay muli kang maaawa sa hindi dapat kaawaan. Kahit alam mong mali, pagbibigyan mo pa rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-27-30-38-40-42-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag nadaya ka, huwag kang malungkot at magalit. Sa halip, lihim kang matuwa dahil ang kondisyon bago mapasaiyo ang malaking suwerte ay ang ikaw ay maisahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-26-31-36-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Higpitan mo ang hawak sa iyong sarili. Mahina ka ngayon, ibig sabihin, puwede kang mapa-oo sa hindi mo naman talaga gustong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-22-30-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdag na suwerte ang mapasasaiyo. Ibig sabihin, hindi ka lang isang beses bubuwenasin. Ihanda mo ang iyong sarili sa kambal na magagandang kapalaran na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-19-29-39-41-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga mandaraya, lalo na sa larangan ng pag-ibig. Marami ang nag-aabang na ikaw ay maisahan. Mas magandang ang asikasuhin ay ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-8-11-15-16-27.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madalas na ikaw ang nagpapakita ng kabaitan. Pero ngayon, langit ang magpapakita sa iyo ng kabaitan bilang premyo sa mga kabutihang ginawa mo sa kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-25-27-38-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis kang nakakatakas sa kabiguan. Walang sinumang puwedeng umalipin sa iyo nang matagal. Ang magtangka, siya mismo ang masasaktan. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-21-23-30-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Ikaw ang may hawak ng iyong kapalaran ngayon. Ang tagumpay at kabiguan mo ay nakasalalay sa iyong mga kamay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-16-25-36-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page