Horoscope | June 2, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 2, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 2, 2023 (Biyernes): Papaganda nang papaganda ang kapalaran mo hanggang sa maabot mo ang iyong pangarap na kung saan ay mas lalong maiinggit sa iyo ang nasa paligid mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tibayan mo ang iyong loob, dahil itataas ka ng langit sa mas mataas pangkalagayan. Ito ang pangako sa iyo ng iyong kapalaran, kaya patuloy kang uunlad at susuwertehin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto -9-10-28-29-34-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang lalapit muli sa iyo ang mga suwerte na nagpapaalala na kahit nasaan ka ay puwede kang buwenasin, kahit na wala ka namang ginagawa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-21-26-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Puwede kang magbagal ngayon. Dahil sa pagiging marahan mo papasok sa isip mo ang magagandang maaari mong gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-17-21-24-29-30.
CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito. Muling ibinabalik ng langit ang masuwerteng araw mo para maalala mo na maraming nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-23-28-30-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hinahon ang susi upang hindi lumala ang sitwasyon. Alalahanin mo na ang galit ay namumunga ng hindi magandang reaksyon kaya hindi nakakabuti sa tao ang magalit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-22-24-28-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi hinahabol ang umaalis, dahil kung kayo talaga ang para sa isa’t isa, kusa itong babalik. Ito ang payo ng iyong kapalaran na kailangan mong pakinggan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-19-21-26-27-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magdagdag ka ng magandang pananaw sa buhay para ang kaligayahan ay tiyak na mapasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay- white. Tips sa lotto-2-11-15-21-25-26.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Malakas ang iyong pandama ngayon. Mababasa mo ang laman ng damdamin ng iyong makakaharap. Kaya malabong ikaw ay mapaglamangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-14-15-20-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi masyadong mataas ang iyong ambisyon kaya tiyak na makukuha mo ang sapat na iyong kakayahan para rito. Manatiling positibo sa lahat ng araw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-19-21-28-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalik ang mga suwerte, Dahil dito sa ibabaw ng lupa ang nangyari na ay muling nangyayari pa. Babalik sa iyo ngayon ang mapapalad mong mga araw. Masuwerteng kulay- purple. Tips sa lotto- 11-17-22-24-25-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sinisiyasat ng hangin ang natatagong bagay. Kaya maaari mong malaman ang sikreto ng taong may kakaiba at masyadong malihim. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-26-27-34-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Bihirang mangyari ito sa isang tao. Kaya ngayon na ang pagkakataon mo para gawin ang anumang gusto mong gawin sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-24-28-38.




Comments