Horoscope | June 19, 2021 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 19, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 19, 2021 (Sabado): Totoong masuwerte ka, kaya kailangan mo pa ring maging masinop nang sa gayun, sa huli ay hindi mo masabi na ang natira sa iyo ay kuwento ng mga naging suwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit saan ka pumunta, nakasunod sa iyo ang saya. Dahil ang gusto ng langit ay palagi kang masaya nang sa gayun ay magpatuloy ang iyong kasiglahan at positibong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-19-27-28-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dadalawin ka ng suwerte. Kung sino ang bumisita sa iyo, siya ang suwerte mo. Kung sino ang makipagkuwentuhan sa iyo nang matagal, siya rin ay isa sa suwerte mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-24-26-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na malilibang ka na naman sa mga sayang nakukuha sa mga nakakasama. Ito ay babala dahil ang paghahanda mo sa iyong kinabukasan ay nakataya at naantala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-20-29-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Habang maiksi ang kumot, magtiis na nakabaluktot. Ito ang iyong isabuhay ngayon habang hinihintay mo ang mga araw kung kailan magpapakasasa ka sa masasarap na bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-18-20-25-26-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang nararapat, ‘yun ang iyong isabuhay. Ipinaaalala sa iyo na hindi lahat ng matuwid ay nararapat. At hindi lahat ng katotohanan ay sinasabi nang walang pakundangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-15-22-27-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ituloy mo ang gusto mong gawin. Kailangan mo ito dahil ang paulit-ulit na hindi mo naitutuloy ang gusto mong gawin ay magreresulta ng negatibo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-28-33-39-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbalik ang malakas mong karisma at kumpiyansa sa iyong sarili. Hindi ka puwedeng maliitin ninuman dahil kahit kailan mo ibigin ay magagawa mo na at mapapahiya ang mga walang bilib sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-15-21-25-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa isip mo lang ang iyong mga ipinag-aalala. Madali lang ang solusyon para rito. Ikilos mo ang iyong mga kamay at kahit ayaw mo, magiging abala ka sa pagpapaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-24-25-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dumikit ka sa mga masayahin at sasaya ka. Hindi mo na kailangan ang mamahaling medisina para lang labanan ang malalim na lungkot na umaalipin sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-21-25-33-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi maaalis ang kaba mo. Naiisip mo kung paano paghahandaan ang darating na mga araw kung kailan obligado kang mamigay ng mga regalo at pera sa iyong mahal sa buhay. Malayo pa ito, kaya ‘wag kang mag-alala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-18-26-33-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling nagbalik ang mga araw na sa una, aakalain mong hindi maganda ang takbo ng mga pangyayari, pero sa huli, ang isisigaw mo ay para pala sa iyo ang mga huling halakhak. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-23-39-40-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka bibiguin ng langit. Mali ang iniisip mo na dahil marami kang pagkukulang, hindi ka na pakikinggan. Magsabi ka! Hindi ka mapapahiya, ikaw ay tiyak na pagbibigyan ng nasa langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-17-21-23-30-34.




Comments