top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | June 18, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 19, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 18, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 18, 2021 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ang pananalo at tagumpay ay para sa iyo sa bawat hamon ng kapalaran na hindi mo aatrasan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Para sa iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating ay iyo pa rin. Ngayon mo na gawin ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-28-36-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdududa sa iyong kakayahan. Kung babalikan mo ang iyong nakaraan, ang malalaking pagsubok ay iyong nalagpasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-16-20-24-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang sa biglang tingin ay malalaking hadlang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Sila ay tulad lang ng mga panakot sa mga taniman ng palay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-15-18-20-21-25.


CANCER (June 21-July 22) - Kinakalawang ang bakal kahit gaano pa ito katigas. Sa ngayon, mahina ang iyong mga karibal, pero sa porma, sila ay parang malalakas. Ang pananalo ay nakalaan sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-20-25-29-31.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran. Akala ng mga nasa paligid mo, mahirap kang kausap, pero kapag ikaw ay kanilang nakaharap, aaminin nila na kakaiba ang iyong kabutihang loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-20-29-30-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itutulak ka ng iyong sarili na simulan ang mga pagkilos para sa pagpapaunlad ng iyong buhay. Kailangang sumunod ka dahil ngayon ang tamang pagkakataon para rito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-26-36-37-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling magaganap ang sitwasyong hindi mangyayari ang iyong mga kagustuhan, pero sa huli ay sobra-sobra kang magpapasalamat sa nasa itaas dahil ang mga suwerte ay mapasasaiyo pa rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-17-20-25-31.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit magkulang ka sa tapang, balewala na rin dahil ang magagandang kapalaran ay magsisidapo na sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-27-33-37-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lahat ay may kahinaan at pagkukulang, pero may mga nagtatagumpay at ikaw ay mapabibilang sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-19-21-29-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung susukatin at titimbangin, mas malaki at mabigat ang hangarin mong umasenso sa buhay. Dahil dito, ipagkakaloob ng langit ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-18-20-23-30-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Init at lamig ang naglalaban ngayon. Habang ito ay nagaganap, sisingit sa kapalaran mo ang magagandang bagay na ikaw mismo ay magugulat at hindi makakapaniwala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-16-17-23-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang sandata ng iyong kapalaran na ang tawag ay tatag ng kalooban. Ito ang magbibigay sa iyo ng malalaking pananalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-20-25-26-30-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page