top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | June 17, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 17, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 17, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 17, 2021 (Huwebes): Unahin mong paunlarin ang buhay kaysa sa iba na ginagamit lang ang iyong suwerte. Maaaring hindi mo alam, pero ikaw ay tagapagbigay ng suwerte sa maraming nilalang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Matigas na bagay, puwedeng metal, bato o kahoy ang iyong pinakamabisang pampasuwerte ngayon. Simpleng mahawakan mo lang ang alinman sa mga ito, gagana na ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-20-24-31-33-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakikita ng tao ang dapat gawin kapag siya ay kalmado. Kaya kontrolin mo ang iyong emosyon nang sa gayun ay maging kalmado ka sa lahat ng sandali. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-21-28-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Bagay na may kislap ang iyong pampabuwenas. Dalhin mo ito kahit saan ka pumunta at magugulat ka at hindi makapaniniwala, magkikislapan sa harap mo ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-25-33-38-45.


CANCER (June 21-July 22) - Lihim kang ngumiti kapag pinakitaan ka ng hindi maganda ng ginawan mo ng mabuti. Ang kondisyon bago ka suwertehin ay ang hindi ka pinasalamatan ng iyong tinulungan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-18-20-36-41-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong habulin ang lumayo sa iyo. Siya dapat ang kusang bumalik. Tulad ng ibong hindi pinahalagahan ang matamis na prutas sa kanyang paglipad, siya ay babagsak. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-15-21-24-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pagsikapang ayusin ang buhay ng isang tao dahil masasayang lang ang mga araw mo. Hindi ka niya pakikinggan dahil magpapatuloy lang siya sa katigasan ng kanyang ulo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-29-30-33-32-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mong magsuot ng luma. Ang pampabuwenas mo ay ang mga damit o kasuotang hindi pa kupas ang kulay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-21-27-33-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka ayon sa iyong plano at huwag kang kikilos kapag wala kang plano. Magsasayang lang ng mahahalagang araw ang mga taong wala namang plano sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-24-25-34-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiikot ang mundo at walang nagagawa ang tao. Pero ikaw, kaya mong paikutin ang kahit na sino. Gawin mo at makikita mo ang malalaking pakinabang na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-16-17-22-25-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil kahit magkamali ka o walang gawing anuman, ang magagandang kapalaran ay mahimalang lalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-17-20-25-26-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magpapagamit, mas maganda na ikaw ang manggamit. Hindi ka isang kasangkapan, pero ang kapwa mo ay puwede mong maging kasangkapan para ikaw ay makinabang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-24-26-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo kailangan ang payo dahil sapat ang mga karanasan at natutunan mo sa buhay upang mapaunlad mo ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-9-13-18-33-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page