top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | June 15, 2021 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 15, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 15, 2021



Sa may kaarawan ngayong June 15, 2021 (Martes): Kahit pa paulit-ulit kang magkamali sa buhay, hindi magsasawa ang langit na bigyan ka pa rin ng mga oportunidad na magpapaganda sa iyong kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paganda nang paganda ang kapalaran mo. Ito ang regalo sa iyo ng langit dahil ikaw ay natagpuang buo ang loob sa harap ng mga hamon ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-20-21-24-28-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kasabay ng malalakas na pagpatak ng ulan, ang magagandang kapalaran ay guguhit sa iyong buhay kahit nag-aalinlangan ka sa sarili mong kakayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-25-26-31-37-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Malinis ang tubig-ulan, pero ang hangin ay marumi kaya sa pagdaan ng malinis na ulan sa hangin, ito ay dumudumi. Huwag kang basta-basta magtiwala sa mga bagong kakilala. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-23-28-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Walang may gusto sa malakas na bagyo. Kapag nadama mong malakas ang dating sa iyo ng isang tao, isipin mo agad para hindi masira sa kanya ang iyong pagkatao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-20-27-34-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Humihinto rin ang pag-ulan kahit sobrang dilim ng kalangitan. Manatili kang matatag dahil kahit sobrang bigat ng mga pangyayari, ang mga ito ay matatapos din. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-22-28-30-33.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Matumal ang negosyo kapag maulan at nagkataong may pandemya. Noon pa ay alam mo na rin ito, kumbaga, may pauna ka nang kaalaman kaya dapat, ito ay iyong paghandaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-20-21-31-35-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pana-panahon ang negosyo. Huwag mong ipilit ang mga produkto mo na hindi tugma sa panahon. Kung ano ang pangangailangan ng mga tao, ang mga ito ang ibenta mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-22-29-30-35-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masaya ang mga halaman kapag sumapit ang tag-ulan. Ang buto ay tutubo, ang mga dahon ay mananariwa at ang mga sanga ay lalago. Halaman ang katulad mo sa ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-21-26-29-30.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magtiis kapag maliit ang kumot. Sa ngayon, maliit ang mga benta at suweldo kaya magtiis ka muna. Iwasan mo ang paggasta sa mga bagay na hindi naman kailangan at mahalaga. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-22-33-35-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi maganda ang walang magawa. Maghanap ka ng magpaglilibangan. Kapag ang tao ay walang ginagawa, ang mga negatibong pananaw ay maglalaro sa kanyang isipan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-24-25-34-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahil sa makabagong gamit, kahit nasaan ang isang tao, puwede siyang magnegosyo. Hindi puwedeng humadlang sa iyo ang masamang panahong umiiral ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-27-38-40-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka sanay na nasa loob lang ng bahay. Pero dahil hindi naman maiiwasang sa bahay ka lang, ang payo ay nagsasabing maglinis at ayusin mo ang iyong silid-tulugan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-19-31-35-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page