top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | June 14, 2021 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 14, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 14, 2021 (Lunes): Huwag kang mag-alala kapag mabibilis ang kaganapan sa iyong buhay. Dahil ang mismong bilis ang magpapaganda sa iyong kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Alamin mo muna ang katotohanan bago husgahan ang mga pangyayari. Ang mabilis na panghuhusga ay kadalasang kapahamakan at pagsisisi ang bunga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-15-29-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ihanda mo ang iyong sarili sa malalaking responsibilidad. Malalaking biyaya rin ang mapasasaiyo bilang kakambal ng mga reponsibilidad na ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-21-25-34-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang manghinayang sa mawawala sa iyo dahil ang kapalit ng mga ito ay malalaki at magagandang kapalaran na labis-labis mong ikagagalak. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-24-28-32-34.


CANCER (June 21-July 22) - Bantayan mo ang iyong paggastos. Hindi na naibabalik ang nakaraan. Ang magagawa na lang ng tao ay sikaping baguhin ang kanyang nakasanayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-25-28-36-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ipunin mo na ang mga dumarating sa iyo. Ito ang dapat mong gawin nang sa gayun, ang malalaking proyekto mo ay masimulan mo kapag ikaw ay nakahanda na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-14-18-20-21-23.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pabalik-balik lang naman ang mga pangyayari sa buhay ng tao. Ang payo para sa iyo ay muli mong gawin ang dating ginawa mo nang ikaw ay makatumbok ng malaking suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-9-13-17-21-24.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maniwala sa nagsasabing hindi mahalaga ang materyal na bagay. Dinadaya lang nila ang kanilang sarili, huwag na huwag kang tumulad sa kanilang pagkakamali. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-25-29-33-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Marami ang magsasabi sa iyo na tutulungan ka, pero huwag kang umasa dahil ang totoo sa buhay ng tao ay nagsasabing, hindi na makita kapag kailangan ang mga natulungan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-14-21-25-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi katwiran na abala sa trabaho kapag ang personal na relasyon ay nangangailangan ng agarang pagtugon. Unahin mo ang taong pinakamahalaga sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-15-27-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung alam mong tama, ipaglaban mo. Ngayon pang ikaw ang nasa panig ng mabuti at matuwid, saka ka pa ba maduduwag? Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-8-11-19-20-26.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bumanat ka ngayon at ibigay mo nang todo ang kaya mo. Makakaasa ka na iiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal at kakumpitensiya. Muli, bumanat ka at ibigay mo ang kaya mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-14-23-33-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mapapahiya kapag itinuloy mo ang gusto mong negosyo. Kikita ka at ipunin mo ang iyong kikitain at kung tumumal, maghanap ka muli ng bagong pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-25-26-34-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page