Horoscope | June 12, 2021 (Sabado)
- BULGAR
- Jun 12, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 12, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 12, 2021 (Sabado): Lubos-lubos na katuparan ng mga pangarap ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang kaya ‘wag kang mag-alinlangan kung mabibigo o matatagumpay ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang bibigyan ng pagkakataong mas mapaangat pa ang iyong buhay. Samantalahin mo ang araw na ito nang sa gayun ay mapahiya ang mga hindi naniniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-18-25-27-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mong ikaw ay seryoso na mapaunlad ang iyong buhay at ipakikita naman sa iyo ng langit ang espesyal na regalo sa mga taong tinutukan ang kanilang mga pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-21-27-30-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Maliit lang ang ginusto mo, pero malaki ang ibibigay sa iyo ng kapalaran. Huwag mong kaliligtaan na ang mahalaga ay may ginusto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-20-25-34-38.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang papatangay sa mga nagsasabing mahirap umasenso. Dahil ang totoo, bawat hakbang at kilos ng tao ay naglalapit sa kanyang mga pangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-24-36-41-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masyadong mataas ang iyong ambisyon. Makukuha mo rin naman ito, kaya lang, kailangang magsimula ka muna sa mababa at pagkatapos ay pataas nang pataas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-24-28-30-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mo lang na malamangan ka ng iyong karibal. Lalabis ang tiwala niya sa kanyang sarili kaya sa huli, mas aangat ka sa kanya at siya ang maiiwanan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-16-21-29-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang may pangarap. Hindi ka dapat masilaw sa kinang at kislap ng mga gamit at kasuotan. Ang taong may pangarap ay tunay na may magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-26-27-33-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kailangan ng mga suki, ‘yun dapat ang nasa iyo. Ito ang pinakamabisang promula ng mabilis na pag-asenso ng negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-15-28-31-33-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ang kapalaran ng maraming tao ngayon. Kapag nabigo ka, sila rin ay mabibigo. Kaya wala kang ibang pagpipilian kundi gawin ang lahat ng iyong makakaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-14-20-21-29-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumilipas ang lahat sa mundo. Kaya anuman ang nararanasan mo, ito ay lilipad din naman. Mas magandang ihanda mo ang iyong sarili sa mga bagong kabanata ng buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-15-18-20-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pigilan ang iyong sarili. Kapag malungkot, tanggapin mo na malungkot ka. Kapag masaya ka, dapat magsaya ka. Ito ang panlaban sa mga sakit at karamdaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-22-24-31-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas marami at malalaki ang mapasaiyo, bigyan mo ng saya ang mga pagod at naghihirap pero nagsisikap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-16-23-39-40-41.




Comments