top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | June 11, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 11, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 11, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 11, 2021 (Biyernes): Hindi ka mabibigo sa iyong ambisyon kahit gaano pa ito kalaki. Ito ay ginagarantiyahan ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagpapatuloy ang pagganda ng buhay mo. Ang mga pangyayaring halos sumuko ka na ay makikitang gumagaan at mabilis na nalulutas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-23-38-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gaganda at lalo pang gaganda ang takbo ng iyong kabuhayan, ito ay pangako ng iyong kapalaran. Huwag mong kalilimutan na kapag nangako ang kapalaran ay katumbas na rin ng tiyak na mangyayari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-14-25-34-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Malalaki at mabibilis na kita sa negosyo ang nakaawang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Sa halip na sumuko ka sa hamon ng iyong kapalaran, mas magandang sumugod ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-13-21-26-34.


CANCER (June 21-July 22) - Nakatutuwa ang mga kaganapan sa iyong buhay ngayon dahil ang sinasabi mong nilimot mo na ay magiging bahagi muli ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-18-20-22-37-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang iyong kapalaran na kapag nabuhay ka sa sobrang tiwala sarili, huli na bago mo mamalayang wala ka nang kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-23-25-30-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malaki pa ang iuunlad ng iyong kabuhayan kung ito ay iyong tututukan. Kapag sa iba nabaling ang iyong lakas at isipan, masasayang ang magagandang araw na ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-17-21-28-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang matukso sa pagbili ng mga bagong kasuotan. Mas magandang tingnan mo muna ang pinaglalagyan ng iyong mga damit at isuot na ang mga hindi pa nagagamit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-23-38-41-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumating na ang takdang panahon para sa iyo na magsaya, maglibang at mamasyal nang mamasyal. Kahit manatili ka sa bahay, may bubulong-bulong na ikaw ay lumabas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-27-31-39-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maganda ang may preparasyon sa anumang gustong gawin. Ihanda mo ang kakailanganin sa pagpunta sa malayong lugar. Mas maganda na ngayon maghanda bago pa man ang takdang petsa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-19-22-28-30-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kagalingan sa karamdaman ang ibinabalita ng iyong kapalaran. Kaya ang iyong takot, pag-aalala at pangamba ay mapapalitan ng tuwa at kagalakan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-18-26-38-40-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng maluwag at magaan dahil sa ganito ka bubuwenasin at ang magagandang kapalaran ay iyong mahahatak at sa iyo na maninirahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-21-25-27-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang payo at turo ng mga nauna na sa iyo. Dahil higit nilang alam kung ano ang maganda at hindi sa negosyong iyong pinasimulan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-24-27-32.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page