top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | June 10, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 10, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 10, 2021 (Huwebes): Dating at lisan ang mga suwerte mo. Dahil dito, masasabing mapalad ka kaysa sa mga nag-aakalang sila ay pinagdadamutan ng kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maniwala sa mga nagsasabing dapat makuntento ang tao. Kung ganu’n ang mangyayari, isipin mo na kapag dumating ang panahon ng kagipitan, litung-lito sa buhay ang mga dati nang nakuntento. Mag-ipon ka upang lumago ang kayamanan mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-28-35-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit kailan, hindi maganda ang nag-aalinlangan. Kaya labanan mo ang pag-aalinlangan nang sa gayun ay hindi ka maunahan ng iyong mga karibal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-14-25-34-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Lagyan mo ng harot at kakaibang saya ang kilos at pananalita mo. Mahirap maunawaan, pero ito na mismo ang iyong panawag ng mga suwerte na iyong kailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-10-16-21-28-30.


CANCER (June 21-July 22) - Ganito ang sabi, nakakikita ang naghahanap, pero ang ayaw maghanap ay walang maaasahan. Kaya hanapin mo ngayon ang para sa iyo at makakaasa ka na iyong makikita. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-22-26-33-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magsabi ka sa langit ng iyong mga kahilingan. Kahit sobrang dami ng iyong hilingin, ang mga ito ay mapasasaiyong mga kamay. Noon pa man, hinihintay na ang iyong mga panalangin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-20-25-41-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Higit kailanman, ngayon ay kailangan mong matalo ang lungkot na lumukob sa iyo. Makakaasa ka na kapag ikaw ay nanalo, ang magagandang kapalaran ay magdaratingan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-12-17-22-27-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lang kamalasan ang nakakahawa. Kapag dumikit ka sa alam na alam mong sinusuwerte ang buhay, tiyak na ikaw din ay susuwertehin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-10-14-15-28-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo at sa muling pagpapadama sa iyo, susuwertehin ka at ang mga lihim na kaaway mo naman ay mamalasin nang todo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-20-21-27-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang kilos ng mga kamay ayon sa dikta ng isip, ‘yun na ang kanyang magiging kapalaran. Wala nang mas gaganda pa sa tao kundi ang kumilos at mag-isip nang positibo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-22-28-34-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte at kahit pa nakasarado ang bahay mo, kakatok ang mga ito. Ibig sabihin, anuman ang kalagayan mo ngayon, ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-23-28-30-31-38-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masyadong malakas ang kapangyarihan ng iyong mga salita. Kung puwede, huwag kang magsalita ng masama sa kapwa at tiyak na magkakatotoo at ikaw ay ay maaawa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-20-28-33-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pumunta ka sa lugar na maganda at ang kapalaran mo ay gaganda. Kapag hindi sinasadyang napunta ka sa lugar na walang pag-unlad, ang kapalaran mo ay hindi uusad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-15-16-31-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page