top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | June 1, 2023 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 1, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 1, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hunyo 1, 2O23 (Huwebes): Isinilang ka na may kakambal na suwerte. Kaya maraming namamangha sa magagandang bagay na dumarating sa iyo. Ingatan maging mapagmataas upang hindi bumagsak. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Itataboy ng langit ang mga sagabal at hadlang sa landas mo para magaan mong magawa ang mga plano mo. Ito ang mensahe sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-23-27-30-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magparaya ka! Hayaan mong kumilos ang kapwa mo na hindi gaanong pabor sa iyo. Sa ganitong paraan, magugulat ka dahil maglalapitan sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-25-26-35-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakakasilaw ang matitingkad na kulay. Ingatan mong masilaw sa iyong kapalaran dahil ang nasisilaw ay nabubulag sa reyalidad. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-17-21-27-31-32-35.

CANCER (June 21-July 22) - Walang magagawa sa iyo ang mga naghahangad na mabigo ka. Ang nakakatuwa ay sila pa mismo ang malulungkot at aani ng kabiguan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-14-15-24-27-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa iyo ng langit upang tuluy-tuloy kang suwertehin at umunlad. Ngunit kailangan mong bawasan ang iyong pagiging mayabang at pag-post ng kung anu-ano sa mga social media account mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-16-21-25-29-30.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat matangay ng masasayang paglilibang. Maglibang ka pero ‘wag mong kalimutan na marami ka pang dapat gawin para sa iyong kaunlaran lalo na sa aspetong pang-pinansyal. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-18-22-23-38-40-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahigpit ang pagkakahawak mo sa naakit sa iyo. Huwag mong abusuhin ang ganitong pagkakataon. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-13-21-25-28.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na may ipapagawa sa iyo ang langit upang matupad ang lahat ng mga pangarap mo. Ito ay ang pag-iwas na unahin ang iyong sarili kaysa sa iba. Ibig sabihin, kailangan mong mag-sakripisyo para sa iyong minamahal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-16-27-39-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kikislap ang isip mo at may mabubuo na magandang ideya na kapag nilakipan mo nang pagkilos ay walang pagdududa na iiwan mo ng milya-milya ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-20-22-26-34-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang gusto mo, iyon ang gawin mo. Damang-dama mo ngayon ang kakaibang siglang dumarating sa iyo. Muli, gawin mo anuman ang naisin mo at makikita mo ito ay magkakaroon ng gintong katuparan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-10-12-21-25-27.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na isa-isang mawawala ang mga rati mong pinoproblema sa buhay. Magpasalamat ka sa pagdating ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra o kaya’y kapwa mo Aquarius, dahil siya ang hulog sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-28-30-33-37-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magtiwala, dahil sa mga araw na ito, mas magandang mag-ingat ka at mag-obserba sa kilos at pananalita ng sinumang makakaharap mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-26-31-32-39-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page