Horoscope | June 09, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 09, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 9, 2021 (Miyerkules): Hindi ka mabibigo dahil ang panalo at tagumpay ay nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Ito ay ginagarantiyan ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon na! Itodo mo kung ano ang iyong kaya. Ang bunga ng iyong tagumpay ay aabot sa mahabang panahon na ang iyong mga karibal ay walang magagawa kundi ang mamangha. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-23-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka kahit nag-aalinlangan ka. Dahil sa pagkilos, ang pagiging negatibo ay dahan-dahang napapalitan ng positibong personalidad. Kumilos ka at dapat ay ngayon na. Muli, kilos na! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-18-21-38-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Sobrang bilis mo ngayon. Para maiwasan mo ang pagkakamali, panatiliin mo ang talas ng iyong isip. Bilis at talas ng isip ang sikreto ng malalayo ang agwat sa karibal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-14-25-32-35.
CANCER (June 21-July 22) - Malalakas ang iyong kalaban pero mas malakas ka sa kahit na sino kapag nagawa mong alisin ang katangian na minamaliit mong masyado ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-26-27-30-34-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mula sa kalangitan, isang sinag na ang pangalan ay sinag ng kasaganan ang bumaba sa lupa at ikaw ang hinahanap. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang mga biyaya, lalo na sa mga walang-wala. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-18-21-23-30-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madarama mo at ito ay tiyak. Hindi ito gabay ng kapalaran na ikaw mismo ay itinutulak ng iyong sarili na gawin ang matagal mo nang naiisip na pagpapaunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-13-14-25-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtaka kung bakit kabaligtaran ng iyong mga kagustuhan ang mangyayari. Tumawa ka at magsaya pagkatapos ng lahat dahil ikaw pala ay sobrang makikinabang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-18-20-24-25.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalabas ngayon ang lakas ng loob na nasa iyong katawan. Malayo ang iyong mararating, kumbaga, dadalhin ka nito sa lugar kung saan maiiwanan mo ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-28-30-33-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hahawiin ng langit ang landas ng buhay na iyong tinatahak. Ilalagay muna sa tabi ang mga hadlang sa iyong mga kagustuhan. Kapag sila ay nagpilit, aani sila ng kahihiyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-17-21-26-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ihakbang mo ang iyong mga paa dahil tama ang sinasabing ang simula ng pananagumpay ay gawin ang mga paunang hakbang at muling humakbang nang humakbang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-23-35-38-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala kahit makaranas ka ng mga paunang kabiguan. Dahil ang lahat ng nagsisikap ay nabibigo muna bago magtagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-16-17-21-24-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang buo ang loob, doon ka dumikit. Bakit? Dahil makikitang pinanghihinaan ka ng loob, sapagkat kung sino ang makakasama at makakabarkada mo, noon pa man ay doon ka nahahawa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-19-20-35-41-45.




Comments