Horoscope | June 08, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 08, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 8, 2021 (Martes): Kahit mabibigat ang mga pagsubok na iyong kakaharapin, hindi pa rin maaawat ang iyong pagyaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mayayanig at mangangamba ka. Pero sa huli, iisa lang ang mangyayari na sa kabila ng malalakas mong kaba, matatagpuang hawak-hawak mo ang bandila ng tagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-29-30-35-41-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka ngayon. Kusang lalapit sa iyo ang magagandang kapalaran. Ito ay mangyayari dahil ito ay premyo mo mula sa langit dahil sa iyong katatagan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-24-28-35-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka dahil ang biglaang pagkakamali ay lalagay sa iyong harapan. Sa iyong pagiging marahan, makikita mo ang mga puwedeng makasira ng iyong diskarte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-27-33-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pilitin na tapusin ang iyong mga problema. Hayaan mo lang ang mga ito dahil mas magandang tuloy-tuloy lang ang buhay na wala kang iniisip na anumang alalahanin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-21-25-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sasakit ang ulo mo kung hindi ka makakaiwas sa mga taong napakahirap unawain. Hindi inuunawa ang ayaw magpaunawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-28-30-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat sa mundo. Isang katotohanang iyong masasaksihan ngayon na ang mga sikat at mayayabang ay mawawalan ng ningning at mawawala ang kahambugan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-23-25-34-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Totoo ba ang karma? Ngayon, hindi ka mag-aalinlangan kung ito ay totoo nga o hindi. Makikita ng marami na iaani ng mga nakagawa sa iyo ng kasalanan ang kanilang kamalasan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-19-24-27-45-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Minsan ay nakatutuwa ang buhay sa mundo. Kung sino ang hindi naghirap, siya ang kumain ng masarap at ang naghirap ay patuloy na maghihirap. Ikaw ay napabibilang sa una. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-16-20-24-38-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang magagawa ang pilit na humihila sa iyo pababa. Dahil habang hinihila ka, natutulad ka sa saranggola na lalong tumataas habang hihinila nang hinihila pababa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-25-39-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi lang kapalaran mo ang iyong hawak dahil ang kapalaran ng mga nakapaligid sa iyo ay ganundin kaya hindi ka dapat mabigo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-26-35-38-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang lumaban. Tularan mo ang tupa na maamo at walang angal. Tulad ng tupa, higit sa lahat ng mga hayop, ikaw ay mamahalin higit kaninuman ng langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-17-20-25-26-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hihilain ka ng iyong mga paa at dadalhin sa harap ng iyong mga suwerte. Nangyari na ito sa iyo noon at muling mangyayari na kung nasaan ang suwerte ay doon ka mapupunta. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-25-38-41-44.




Comments