top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | June 07, 2021 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 7, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 07, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 7, 2021 (Lunes): Taglay mo ang mayamang imahinasyon, kaya walang dahilan para hindi ka yumaman. Ang numero-unong katangian ng mga yumaman ay ang kanilang malikhaing kaisipan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maraming magagandang ideya ang maglalabas-pasok sa isip mo. Sapat ang mga ito para mapaunlad mo pa nang todo ang iyong kabuhayan. Gamitin mo ito, kumbaga, lakipan mo ng mga pagkilos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-3-18-24-29-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iwasan mong matalo ng tamang hinala. Dahil ang tamang hinala ang sumisira sa relasyon at maging sa mismong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-9-11-16-28-31.


GEMINI (May 21-June 20) - Sisingit sa isip mo ang pagpunta sa malayo at magagandang pasyalan. Bago mo ito gawin, planuhin mo muna dahil kapag walang plano, mawawalan ng saysay ang kagandahan ng lugar. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-19-20-24-25-36.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda sa tao ang mapagtuos dahil ang nakikita niya ay ang kanyang mga ibinigay at pagkukulang ng kapwa. Iwasan mo ito nang hindi pumangit ang iyong mga araw. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-30-31-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Totoong nakahihigit ka sa mga nasa paligid mo, pero ilagay mo sa isipan na ang ilang katotohanan ay hindi dapat sabihin sa kapwa. Kaya huwag na huwag kang magyayabang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-18-27-46.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakapagtataka ang buhay sa mundo dahil tulad ngayon, ang maliliit ang nakikita at ang mga ito ay ang maliliit na pagkakamali ng kapwa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-25-32-34-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Namumulaklak na ang mga punong-kahoy. Isa kang punong-kahoy na sa mga araw na ito at sa malayo pang mga araw ay lubhang nakakagayuma, lalo na sa mga nalulungkot. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-28-30-36-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong buksan ang nakasara na. Ito ay ang mga kinalimutan mong kasalanan ng isang tao na nagawa niya sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-14-26-27-30-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ililigaw ka ng mga ideyang magmumula sa iba na sa biglang tingin ay maganda. Sa lumang kasaysayan, ito ang magagandang babae na sumisira sa diskarte ng bida. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-22-24-29-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo na gawin ang magandang ideya na noon pa man ay naglalaro na sa iyong isipan. Ngayon ang masuwerteng araw para bigyan buhay ang magagandang ideya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-23-38-40-45-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong kaligtaan na mag-alay ng bulaklak sa iyong altar. Gawin mo ito nang sa gayun ay madagdagan pa ang mga suwerteng nagdaratingan sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-16-23-31-32-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling nagbalikan ang mga araw na masuwerte ka. Ikagugulat ito ng mga hindi naniniwala sa iyo, kontrabida at ang mga inggit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-27-39-40-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page