Horoscope | June 05, 2021 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 05, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 5, 2021 (Sabado): Isinilang kang magaling sa negosyo at sa negosyo ka yayaman. Puwede ring dahil sa iyo, magsisiyaman ang maraming tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paramihin mo ang hawak mo na. Ngayon ang pagkakataon na lumago ang iyong kabuhayan, kaya huwag mong sayangin ang iyong masusuwerteng araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-23-39-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapansin-pansin ngayon na ikaw ay palakuwento. Ito ay malinaw na senyales na bagay na bagay kang maging magaling na negosyante. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-17-20-24-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Huhusgahan ka ngayon ng langit. Ang masayang balita ay nagsasabing angat na angat ang iyong talino, kung saan ang iyong mga karibal ay maiiwanan mo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-21-25-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka inaawat sa iyong pagmamadali, pero ikaw ay pinapayuhan na sa bawat sandali, sa anumang pagkakataon, ‘wag mong kalilimutan na bitbitin ang talas ng iyong pandama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-27-35-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon at sa ilang araw pang darating. Ang iyong kahinaan — aminin mo man o hindi — anong bilis na mahulog ang loob mo sa may masasayang kilos at pananalita. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-16-27-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maging masinop ka. Huwag kang tumulad sa marami na nang dahil sinuwerte ay nagsaya na para bang nalunod sa sobrang katuwaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-23-25-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malabong maungusan ka ng iyong karibal. Maaaring makaporma sila pero hanggang porma lang. Hindi ka iiwanan ng iyong kapalaran na kung ano ang gusto ay tiyak na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-25-37-43-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maglalabasan ang mga kontrabida sa buhay mo. Pero hindi magbabago ang magandang takbo ng pangyayari na papabor sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-27-33-42-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituloy mo ang iyong plano na lalong magpapaunlad sa buhay mo. Huwag mong bigyan ng halaga ang mga negatibong sumisingit sa iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-30-31-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Natatalo ang kaduwagan at kahinaan ng loob ng walang humpay na pagkilos. Kumilos ka nang kumilos ayon sa hangarin mong matupad ang pangarap mo na ikaw ay yumaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-17-20-24-26-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makikitang para kang isang ibon na nakikipaglaro sa mga sanga ng puno, na ang kahulugan ay kusang napupunta sa iyo ang mga suwerteng hawak ng ibang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-18-21-23-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsaya ka pero huwag mong kaligtaan na may pangangailangan ka pang dapat paghandaan. Maglibang ka pero hindi mo dapat makalimutan ang darating na mga araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-22-28-30-33.




Comments