Horoscope | June 04, 2021 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 04, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 4, 2021 (Biyernes): Lumayo ka sa mga reklamador, paladaing at negatibo. Mas magandang ikaw ay nag-iisa na lang kaysa makasama mo sila.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang papaapekto sa mahihina ang loob. Ang tagumpay ay para sa matatapang lamang at may matibay na personalidad na katangiang iyong taglay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-25-30-35-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kailangan ang tulong. Makukuha mo ang anumang gusto mo kahit walang ibang nasa tabi mo. Subukan mo at malalaman mong ito ay totoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-15-26-30-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang aatras dahil anino lang ang iyong kinatatakutan. Ang mga ito ay anino lang ng mga nakaraang kabiguan at maglalahong lahat kapag kinakitaan ka ng tatag ng kalooban. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-21-28-31-34.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi pa nagbabago ang magandang takbo ng iyong kapalaran. Wala kang ibang dapat gawin kundi sakyan lang ang agos ng mga pangyayari kahit ito ay hindi mo nauunawaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-25-28-30-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kailangan ang suporta ng kahit na sino. Isinilang ka na may mataas na antas ng talino at taglay mo rin ang hiwaga ng mga salitang mula sa abo ay lumipad ang isang napakagandang ibon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-16-21-23-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paiba-iba ang daloy ng hangin, minsan malakas at minsan ay mahina o katamtaman lamang. Tulad ng hangin, ikaw ay makikitang paiba-iba ng sigla at pakiramdam. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-22-24-26-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ito gabay, ito ay tiyak na iyong mararanasan. Ang taong inaasahan mo ay magiging sanhi ng init ng iyong ulo. Gayunman, ito rin ay pansamantala lamang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-14-17-28-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sarili mo ang iyong kalaban ngayon, kaya hindi naman mahirap talunin. Ipagpatuloy mo ang iyong gusto at mananahimik ang sarili mo na panay ang awat sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-18-20-25-34-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napaliligiran ka ng mga taong umaasa sa iyo dahil akala nila ay mahina sila. Umagwat ka sa kanila nang malaman nilang sila ang malakas at puwedeng iwanang mag-isa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-20-25-27-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Daraan ka sa hirap ngayon pero hindi ka mamamalagi rito. Dahil sa una ka lang naman mahihirapan at sa huli, ang lahat ay madali na lang para sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-18-21-24-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakabigla ang kapalaran mo. Ikaw mismo ay hindi makapaniniwala na ang mga kahiligan mo sa langit ay isa-isa nang nagkakaroon ng katuparan. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-15-28-30-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mo lang ang mga kontrabida sa buhay mo. Hanggang kontra lang naman sila dahil ikaw ang may hawak ng sarili mong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-19-21-23-34.




Comments