Horoscope | June 03, 2021 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 03, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 3, 2021 (Huwebes): Lubusang katuparan ng mga pangarap ang ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na guguhit sa iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy ang pag-asenso mo kahit may mga pinadaraanan kang mga personal na problema. Panatilihin mo ang pang-unawa at kababaang-loob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-20-24-36-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sisilip sa iyo ang isang malaking suwerte kapag nakita kang mapagpatawad sa mga nagkakamali sa iyo. Kasingbilis ng kidlat, ito ay guguhit sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-20-25-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit kailan, hindi maganda ang nagdadalawang-isip dahil ang pag-aalinlangan ay sagabal sa pag-unlad. Samantala, ang positibong pananaw ay nagbubunga ng magandang buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-21-24-30-34.
CANCER (June 21-July 22) - Papaboran ka ng langit. Ibig sabihin, kung ano ang gusto mo, kukunsintihin ka. Ang payo para sa iyo ay gustuhin mo ang mabilis na pagyaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-22-24-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masama ang maghangad dahil ang masama ay walang pangarap. Bakit mo pakikinggan ang payo na hindi dapat maging mapaghangad ang tao? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-14-25-32-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakatatamad ang sobrang mainit na panahon at sa hapon ay biglang uulan. Kailangan mo pa ring kumilos dahil ang magagandang bagay ay nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-25-27-30-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa paningin, ‘yun ang iyong piliin. Bakit mo pupuwersahin ang iyong sarili sa ayaw ng mga mata mo? Ang opinyon ng kapwa mo ay para sa kanila at hindi para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-12-26-31-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Babala ang hatol ng langit sa mga mapanghusga na ang palaging nakikita ay ang buhay at mga pagkakamali mo. Tatanggapin nila ang parusa sa banal na utos na huwag mong husgahan ang kapwa mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-22-29-35-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumain ka! Bakit ka magdidiyeta? Kailangan mo ang lakas, sigla at talas ng isip dahil napakaraming magagandang oportunidad na nag-aabang sa iyo sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-12-24-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lilitaw ang isang bulalakaw sa langit at ikaw ay hahanapin. Kikislap ang buhay mo nang dahil sa mga biglaang suwerteng mapasasaiyo. Maraming maninira at maiinggit sa iyo nang lihim. Mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-19-23-30-31-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong akalain na kinakapos ka sa suwerte. Ang totoo, anumang sandali ay uulanin ng magagandang kapalaran ang iyong buhay. Iwasan mo ang yabang at sobrang pagiging galante. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-22-25-36-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kikilos ang iyong kapalaran kahit wala kang gawing anuman. Mapapalapit ka sa masusuwerteng nilalang at ikaw din ay susuwertehin ng higit pa sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-20-25-27-34.




Comments