Horoscope | June 02, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 02, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hunyo 2, 2021 (Miyerkules): Ipagpatuloy mo ang paggawa ng kabutihan sa kapwa kahit ang iba ay tinulungan mo na, pero ginawan ka pa ng hindi maganda. Ito ay dahil sa ganitong bagay ka pinagpapala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang mga araw na ito kung kailan mas madaragdagan ang iyong yaman. Nakapanghihinayang kapag hindi napasakamay mo ang puwede namang maging iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-20-23-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang panahon na ang langit ay naghuhulog ng mga biyaya. Para sa maagap, marami silang nakukuha pero para sa mga ayaw magsikilos, wala silang mapapalang anuman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-21-26-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis na umiikot ang gulong ng iyong kapalaran kaya mabilis din ang pagdating sa iyo ng mga suwerte. Pero kung babagal-bagal ka, marami sa mga ito ang hindi mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-16-20-28-30-31.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun ang ibigay mo. Bakit mo pahihirapan ang iyong sarili sa paglalaan ng regalo kung saan sa huli ay ikaw naman ang kakapusin? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-13-29-31-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kitang-kita mo ang mga nagsisikap. Kita mo rin na sila‘y nagsisiunlad. Kung paano mo sila nakitang mamuhay, ‘yun ang iyong tularan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-17-20-25-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Para sa pagkita ng pera ang araw na ito. Puwede namang magsaya ka pero sa pagsasaya, isipin mo kung paano ka kikita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-16-18-21-23.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang umasa sa kapwa mo dahil mas maganda na sila ang umaasa sa iyo. Tulad ng nakaraan na umasa ka pero wala ka namang napala. Ang aasa sa iyo ay huwag mo pa ring biguin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-22-26-30-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil nakikilala ka sa malayo, kung saan ang nagbabalita sa mga kakaibang kakayahan mo ay ang mga nasa malapit sa iyo. Huwag kang magbabago. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-24-25-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy ang pagkakaloob sa iyo ng langit ng magagandang kapalaran na magagamit mo, hindi lang para sa iyong sarili kundi para rin sa mga taong umaasa sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-25-27-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hayaan mo lang ang mga walang bilib sa iyo. Sa huli, mapapahiya sila at ang nakagugulat pa ay magsisilapit sila sa iyo para humingi ng tulong. Huwag mo silang tanggihan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-20-21-24-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umaapaw ang mga grasya mo. Ibahagi mo ito sa iyong kapwa at huwag mong itago tulad ng nakaraan nang makita mo ang mga itinago ay nanghinayang ka na lamang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-22-27-30-31
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi pa tapos ang pagdating sa iyo ng magagandang oportunidad. Ito ay mangyayari hanggang sa maging matatag na ang buhay mo. Huwag mo kaligtaang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-20-21-28-35.




Comments