top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | June 01, 2021 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 1, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 01, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 1, 2021 (Martes): May dahilan ang lahat ng bagay na nagaganap sa ibabaw ng lupa. Kaya ka pinagpapala ng langit dahil ang misyon mo ay tulungan ang mga kapus-palad.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi totoo na malungkot ka. Naglulungkot-lungkutan ka lang naman, pero ang payo ay ituloy mo dahil ang isa pang totoo, nasobrahan na ang saya at ligaya mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-20-24-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na kahit ikaw ay nagdidiyeta, kakain ka pa rin nang sobra. Dahil ang nasa hapag-kainan ay ang pagkaing takaw-mata at mga paborito mong kainin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-16-28-29-30-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi na umuusad ang mga sasakyan sa kalsadang maraming dumaraan. Hindi rin dapat maging ganito ang iyong buhay, kaya magbawas ka ng iyong pinagkakaabalahan at kalat upang lumuwag at guminhawa ang pakiramdam mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-23-25-34-38.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na ang sarili mong suwerte ay lilitaw. Pero may isa pang suwerte na magpapadama sa iyo at ang suwerteng ibibigay sa iyo ay bongga dahil galing mismo ito sa langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-21-24-26-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon, ang mga kahinaan mo ay tanggap ng langit. Ang totoo nga, ayaw ng langit na ipakita mo ang iyong tunay na lakas dahil maraming masasaktan ang damdamin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-21-38-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dalawa ang dahilan kaya sumasakit ang katawan. Ang una ay dahil sa pag-e-ehersisyo at ang ikalawa ay dahil walang ginagawa. Hindi ka dapat mapabilang sa huli. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-21-27-32-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sino ang malayo ang mararating? Sino pa nga ba? Ikaw na ayaw na ayaw manatili ng matagal sa loob ng bahay. Ipagpatuloy mo dahil sa ganu’n ka rin aasenso. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-12-25-27-36-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag naipon ang hinanakit at ito ay lumabas, matutulad sa isang malakas na baha kung saan ang mga bahay ay nagigiba. Isa-isa mong ihayag ang laman ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-9-19-22-38-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong abandunahin ang iyong malaking pangarap sa buhay. Pansamantala mong tutukan ang madadaling bagay na kayang-kaya mong tapusin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-21-27-30-35-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang mga lihim mong kaaway dahil masaya sila kapag nakita kang malungkot, pero ang lungkot mo ngayon ay iniimbento mo lang naman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-19-21-28-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sa buhay-kalsada, walang may gusto ng pula dahil ang ibig sabihin ay huminto muna. Sa buhay mo, hindi makagaganda kung hihinto ka muna. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-21-27-28-32-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tapusin mo ang mga hindi pa tapos. Hindi ka dapat mangarap ng bago dahil ang mga pangarap na ito ay wala namang silbi. Darami lang ang mga hindi mo natapos na pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-20-21-25-27-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page