top of page

Horoscope | July 31, 2021 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 31, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 31, 2021 (Sabado): Hindi ka mabibigo sa mga ambisyon mo. Simple lang naman ang kailangan at ito ay ang unahin mo ang para sa iyo kaysa ang para sa iba.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit masaya ang paligid, may ilang nakapagbibigay ng lungkot. Huwag mo silang pansinin. Kapag masaya, dapat ay magsaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-18-23-28-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Planuhin mo ang iyong buhay dahil ang taong walang plano ay kung saan-saan lang hihilain ng kapwa niya, kung saan sa huli, siya na mismo ang magsasabing “Ginagamit lang ako ng iba”. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-18-22-28-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Iniisip ng iba na ang mabilis kumilos ay hindi nag-iisip. Sa iyo, kasabay ng bilis ng mga kilos mo ay ang bilis ng pag-iisip, kaya iiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-29-33-36-41-44.


CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong maging sobrang abala para sa kapakanan ng iba. Ito ang pagkakamali ng marami kung saan nakalimutan ang sariling kaligayahan dahil sa pagsasakripisyo para sa kapwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-29-30-33-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Akala ng marami, kaya ka nilang daigin. Ang hindi nila alam, hindi naman mahalaga sa iyo ang posisyon at ang isa pang hindi nila alam, talo mo siya kahit hindi ka gaanong kumilos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-25-34-38-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin ang dapat tapusin. Hindi maganda kung may mga hindi natapos na kaya namang tapusin ngayon. Ang problema ng marami, pinahihirapan nila ang araw ng bukas dahil hindi nila tinatapos ang puwede namang tapusin ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-19-27-38-46.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpapatuloy ang pagbibigay mo ng saya. Ang totoo, sapat nang maging bahagi ka ng buhay ng isang tao dahil masaya siya ‘pag masaya ka. Ito ang lihim ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-24-35-36-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa isip mo lang ang lungkot. Kaya kapag masaya ang isip, masaya rin ang tao. Bakit ka magpaapekto sa mga problema, lalo na sa problema ng mga tao sa iyong paligid? Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-29-30-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansamantala lang ang saya na nakukuha sa pagkain ng masarap. Pero ang bunga ng pagsisikap at pagsisinop ay panghabambuhay. Magpakasarap ka sa pagkain, pero dapat ituloy mo rin ang iyong mga pagsisikap at pagsisinop sa buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-18-29-32-38-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalita ang ingay ng mga bata na sa susunod na taon, mas maganda ang magiging buhay mo at napakaraming surpresa sa iyo ang langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-20-21-26-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakagugulat ang susunod na mga pangyayari sa buhay mo. Marami ang mga luhang tutulo nang dahil sa iyo. Ang isa pang nakakagulat na maaaring hindi mo paniwalaan ay ang luluha ka rin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-21-26-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umiwas ka sa masasama, pero ang tinutukoy ay masasamang pagkain na nakakasira sa kalusugan. Umiwas ka rin sa paglabas ng bahay kung hindi naman mahalaga. Pakinggan at isabuhay mo ang payo upang mapanatili ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-25-31-39-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page