top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | July 30, 2021 (Biyernes)

BULGAR
Jul 30, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 30, 2021


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 30, 2021 (Biyernes): Napagkakamalan kang tamad sa gawaing bahay. Ang totoo ay hindi ka bagay sa pambahay na gawain dahil ikaw ay nakatalaga sa mas malalaking proyekto.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aangat at uunlad ka, gayundin, maaabot mo ang pinakamataas mong ambisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-29-30-33-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magtakda ka ng petsa kung kailan mo sisimulan ang malalaking proyekto at makakaasa ka na matutupad mo ito. Huwag kang mag-alala, ang alalay ng langit ay ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-14-20-24-31-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Mag-ingat ka, may magtatangkang agawin sa iyo ang hawak mo. Ngayong alam mo na, malabo na ang masamang hangarin laban sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-21-28-31-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Muli kang ilalapit ng kapalaran mo sa mga taong puwedeng magbigay sa iyo ng sarap ng buhay. Nasa iyo kung gusto o ayaw mo, pero kailangan mong magpasya ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-23-28-39-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung gugustuhin mo, mas mataas na puwesto ang mapasasaiyo. Noon pa man, nakalaan ka na sa malalaking responsibilidad kung saan mamumuno ka at mamamahala sa mga tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-22-25-26-34-47.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maraming pekeng tao sa paligid mo. Akala nila, hindi mo sila makikilala. Matalas ang iyong pakiramdam, talino at dila kaya magsisisi sila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-25-29-31-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang ikikilos mo. Magpapakita ka ng pakunwaring ayaw mo, pero dahil mas malakas sa iyo ang pagpapakita ng magagandang bagay, mawawala rin ang pagkukunwari mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-16-19-22-26-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sanay kang mag-isa. Pero ngayon, makadarama ka na kailangan mo na ng makakasama sa pagtupad ng iyong mga pangarap. Walang saysay ang tagumpay kung nag-iisa ka lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-25-32-41-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Gawin mo na ang gusto mong gawin. Ang mga kontrabida sa buhay mo ay mapapahiya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-20-22-28-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling magaganap sa buhay mo na ang suwerte mismo ang lumapit sa iyo. Mauulit ang sobrang kagalakan sa puso at damdamin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-15-16-24-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magiging abala ang isip mo sa pagpaplano sa pamamasyal sa malalayong lugar. Ihanda mo rin ang iyong katawan sa pagod at hirap. Ang pamamasyal ay hindi palaging sarap lang, ito ay may pagod at hirap din pero masaya. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-13-15-24-39-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mag-ingat ka sa mga lalapit sa iyo kahit parang mabait at maamo sila. Ang nakikinig sa babala ay hindi napapasama. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-22-24-27-35-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page