Horoscope | July 23, 2021 (Biyernes)
- BULGAR
- Jul 23, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 23, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 23, 2021 (Biyernes): Bilis ang iyong taglay na galing. Kaya mabilis ka ring aasenso at kung gugustuhin mo, mabilis ka ring yayaman. Muli, bilis ang taglay mong galing.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-aalinlangan at panghihinaan ng loob. Sa pag-aalinlangan, ang tao ay nanghihinayang sa magagandang pagkakataon na nasa kanyang harapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-24-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka kahit wala kang gustong gawin. Sa pagkilos, gumagana ang isip at sa huli ay maiisip niya kung ano ang tamang direksiyon ng kanyang kahaharapin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-14-23-38-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakauwang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang napakaraming magagandang kapalaran. Naranasan mo na rin ito sa nagdaang araw, pero noon ay marami ang iyong sinayang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-16-22-28-34-36.
CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang sigla ang iyong madarama ngayon. Dapat itong magsilbing inspirasyon mo para gawin ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan dahil nag-aalala ka na mabigo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-23-24-34-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sumabay ka sa takbo ng panahon kahit hindi ka naniniwala sa ibang mga bagay na nagaganap sa kapaligiran. Ang pagpapayaman ay simple lang. Kung ano ang gusto ng tao, kahit hindi mo gusto, ‘yun ang dapat mong maging produkto. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-29-30-33-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pagkakataon mo para maparami at mapalaki ang iyong kita. Huwag mong kaligtaan na kahit nasaan ka, puwede kang kumita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-24-28-30-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Yumayaman ang nag-iisip na yumaman. Sumasarap ang buhay ng nag-iisip na sumarap ang kanyang buhay. Sa buhay ng tao, isip ang nagdidikta kung ano ang mangyayari sa kanya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-23-27-34-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Limitahan mo lang ang mga kilos mo sa iisang layunin. Ang maraming laman ang isip at kung anu-ano ang pinaggagawa na walang iisang direksiyon ay susi sa pagkalugi at sa pagkabigo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-22-27-40-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpatulong ka sa naniniwala sa iyo. Umiwas ka na tulungan ka ng wala namang bilib sa iyo dahil sa halip na matulungan ka ay masisira pa ang iyong magandang diskarte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-18-25-33-37-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mahalaga kung aayaw ka. Ang pinakaimportante ay ang kakayahan ng tao na itugma sa takbo ng pangyayari ang kanyang mga kilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-24-30-35-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ituloy mo ang gusto mong gawin. Sa huli, ang kumokontra ay aayon sa iyo at ang nakagugulat, hihingi pa sila ng bahagi ng malaking suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-16-23-28-31-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itutulak ka ng iyong sarili na pumunta sa masasayang lugar at sa mga lugar na malapit sa kalikasan. Gawin mo ito dahil hinihintay ka na roon ng iyong suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-21-27-30-31.







Comments