Horoscope | July 20, 2021 (Martes)
- BULGAR
- Jul 20, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 20, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 20, 2021 (Martes): Napakalakas ng iyong pandama dahil kahit magkaila ang isang tao, siya ay iyo pa ring mabibisto. Gayunman, huwag kang magpapatangay sa iyong emosyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bubukas ang puso at sa pagbukas nito, magkakaroon ka ng problema sa love life. Gamit ang magandang paliwanag, maaayos ang lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-14-23-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabalik ang mga araw na ikaw ay masuwerte. Isang magandang senyales ito na ang mga problema sa pananalapi ay biglaang malulutas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-12-32-39-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Muling babagal ang ikot ng iyong mundo dahil magiging abala ka sa problema ng iba na hindi mo naman dapat problemahin. Hindi masama ang tumulong, pero dapat may hangganan ang pagtulong sa kapwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-8-21-26-34-38.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon mo na sabihin sa langit ang iyong mga kahilingan. Hindi naririnig ang mga hiling mo sa nakaraan dahil wala sa tamang panahon ang pagbubukas ng tainga ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-22-28-30-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag maganda ang takbo ng love life, gaganda rin ang takbo ng kabuhayan. Kaya pasarapin at pasayahin mo ang mga mahal mo sa buhay at ang iyong negosyo ay magiging masigla rin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-9-19-21-29-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang payo ng kapalaran mo ngayon dahil ang sinasabi ay huwag kang maniwala sa iyong sarili dahil makikitang tatalunin ka ng negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-23-25-35-41-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masamang biruin ang bagong gising, pero ang bagong gising sa love life, pagkatapos ng kabiguan ay muling magmamahal dahil sa pagbibiro. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-14-15-23-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabanta ang matinding selos na maghahari sa iyo. Mahahadlangan lamang ito kapag pinairal mo ang iyong isip at hindi ang damdamin. Tandaang pagpapatunay ang kailangan sa lahat ng pagbibintang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-8-11-12-20-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasayahin mo ang iyong sarili. Ang masayang nilalang ay may kakayahang gawin ang mga imposibleng bagay. Ang malungkutin naman ay pagdadamutan ng mga suwerte at magagadang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-17-28-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-ingat ka. Marami ang ilalantad ang lihim nilang pagtingin sa iyo. Pagbutihin mo ang pagpili at ang gawin mong batayan ay kung sino ang may pangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-21-24-25-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo nang habulin ang mga suwerte na nasa kamay mo pero biglang lumipad at nawala. Mapapalitan ito ng mas malalaki at marami. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-16-26-28-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang iyong sarili. Ibig sabihin, ‘wag kang makinig sa iba. Ang higit na nakakaalam kung ano ang mabuti sa iyo ay ang mismong sarili mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-25-40-42.







Comments