Horoscope | July 19, 2021 (Lunes)
- BULGAR
- Jul 19, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 19, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 19, 2021 (Lunes): Napabilang ka sa mapapalad na nilalang. Ang mga suwerte ay darating sa buhay mo, pero kailangan mo pa ring magsikap nang sa gayun ay hindi ka tawaging tamad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdag na suwerte ang mapasasaiyo kapag kumilos ka nang masaya. Kaya kahit pa may lihim kang lungkot, maganda pa rin na ikaw ay masaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-28-30-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat magpatalo sa mga negatibong sinasabi ng malalapit sa iyo. Higit kaninuman, ikaw ang may hawak ng sarili mong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-21-24-33-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman nawawala ang sikat ng Haring Araw, natatakpan lang ito ng mga ulap. Pagkatapos ng iyong pinagdaraanan ngayon, ang buhay mo ay magkakaroon ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-29-30-35-44.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang manamlay dahil hindi mo nakuha ang gusto mo. Mapatutunayan sa buhay mo na langit ang higit na nakakaalam kung ano ang mabuti at maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-24-29-30-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Susuwertehin ka ngayon at sa darating pang mga araw. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga lihim at lantad mong kaaway, gayundin ang mga lihim na naiinggit sa taglay mong kagandahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-25-27-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nananalo ang masaya. Masaya ka ba ngayon? Makipagsapalaran ka! Malungkot ka ba ngayon? Alisin mo ang lungkot dahil dito sa mundo, ang malungkot ay laging naaagrabiyado. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-16-24-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple lang ang susi para ikaw ay suwertehin. Ito ay nagsasabing iangat mo ang ulo mo, kumilos ka at lumakad nang may tiwala sa sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-28-33-35-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda nang panay ang trabaho dahil puwede siyang makaipon para sa kinabukasan. Ngunit ang kapalaran mo ay kakaiba— kahit hindi ka magtrabaho, dating nang dating sa iyo ang suwerte na dapat mong ipunin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-12-25-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pag-aralan mo ang mga mungkahi na ibinibigay ng iyong mga kaibigan at kasama. Alamin mo kung may nakatagong hindi magandang motibo dahil sa ganitong paraan, masasala mo ang mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahanap-hanap ang masasayang karanasan, pero hindi maiwasang balik-balikan ang mga kabiguan. Wala nang mas maganda pa kundi ang kumuha ng aral mula sa mga ito. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-19-21-24-30-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang nag-alis, ikaw din ang magbabalik. Bago mo pabalikin ang isang naging bahagi ng buhay mo, suriin mo munang mabuti kung siya ay talagang nagbago. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-18-20-21-25-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit wala kang gawin at kahit sino ka man, hindi na magbabago ang pasya ng langit. Mangyayari at mangyayari na ang mga magagandang kapalaran at magsisiguhit sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-21-25-33-36.







Comments