top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | July 18, 2021 (Linggo)

  • BULGAR
  • Jul 18, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 18, 2021


Sa may kaarawan ngayong Hulyo18, 2021 (Linggo): Hindi puwede sa iyo ang simple at maliliit na ambisyon kaya lakasan mo ang iyong loob— mga dakila at malalaking pangarap ang ambisyunin mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling ibinalik ng langit ang mga araw kung kailan susuwertehin ka, kaya makipagsapalaran ka. Huwag mong sayangin ang mga araw na magbibigay sa iyo ng kakaibang saya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-23-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa mga buo ang loob at ikaw ay mahahawa kung saan lalakas ang loob mo tulad nila. Pero kapag nadikit ka sa mahihina at duwag, lalo kang panghihinaan ng loob. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-21-27-33-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Kontrolin mo ang iyong sarili. Hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa mabilisang pagsugod. Ang payo ay nagsasabing huminto ka muna at pag-aralan mo ang nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-15-25-30-35.


CANCER (June 21-July 22) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran dahil kikilos ang mga kontrabida sa buhay mo, pero ang resulta ay ang lalo pang pagganda ng iyong kalagayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-28-36-37-40-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magpahiram ka ng tapang sa malapit sa puso mo na alam mong naduduwag tuparin ang kanyang ambisyon. Saludo siya sa iyo at kinikilala niya ang iyong mga kakayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-24-27-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mawawala ang pag-aalinlangan mo sa iyong sarili. Maganda ang ganito dahil masisimulan mo na ang matagal mo nang gustong proyekto para magtuloy ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-20-21-34-37-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi palaging masaya ang buhay sa mundo. Magsaya ka pero haluan mo ng kung paano ka kikita. Samantalahin mo ang mga nadaramang saya ng nakakasama mo para makinabang ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-21-26-33-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag masaya ka, masaya ang lahat, ngunit kapag malungkot ka naman, ikaw lang mag-isa. Ito ang reyalidad sa ibabaw ng mundo kaya ang kailangan mo ay mapaunlad nang husto ang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-18-27-30-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Alalayan mo ang iyong kalusugan. Tandaang walang halaga ang mga materyal na bagay kung may iniinda kang karamdaman. Ito ay ‘wag mong kalimutan habang ikaw ay nabubuhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-23-27-30-31-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Karagdagang sigla ang regalo sa iyo ng langit sa mga araw na ito. Hindi ka mapipintasan ng mga nakakasama mo, sa halip ay gagawin ka nilang huwaran at dapat pamarisan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-22-27-35-37-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbababala ang araw na ito, pero hindi para sa iyo kundi sa susubok sa lakas ng loob mo. Siya ay mapapahiya kapag hinamon ka kung kaya mo bang gawin ang mga sinabi mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-16-24-39-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mong mauna ang gustong mauna. Ang hindi nila alam, sila ang unang mabibigo at sa kabiguan nila ay may matututunan ka. Kaya hindi ka mapabibilang sa kanilang hanay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-7-21-28-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page