top of page

Horoscope | July 15, 2021 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 15, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 15, 2021 (Huwebes): Kahit magkamali ka sa mga desisyon sa buhay, makakaasa ka na kikilos ang kapalaran para gumanda ang iyong kinabukasan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag mula sa bituin na ang pangalan ay Bituin ng Suwerte at Kasaganaan. Dahil dito, guguhit sa kapalaran mo ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-20-23-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong sayangin ang mga biyayang mapasasakamay mo. Iwasan mong matulad ka sa sinuwerte pero dahil sa sobrang saya ay halos inubos na lahat ang kanyang suwerte sa ibang tao. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-9-13-19-20-25-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala, hindi ka pababayaan ng iyong kapalaran. Palaging mag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang mga oportunidad na sa iyo’y magpapaunlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-10-25-39-41-46.


CANCER (June 21-July 22) - Mananalo ka. Pero ang sikreto ay kailangan mong malaman at sundin ang utos na nagsasabing magsuot ka ng bago kung saan ang ganda mo ay mapapansin ng mga makakakita sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-22-28-35-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hihinto nang biglaan ang pagdating ng iyong mga suwerte. Huwag kang mabahala dahil sa muling pagkilos sa ibang larangan ng buhay, malalaki at magagandang kapalaran ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-18-25-34-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang kislap ng magagandang kapalaran ay makikita sa iyong mga mata. Puwede ka nang magsaya at magdiwang dahil ginagarantiyahan na lubos na magagalak ang puso at damdamin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-24-30-33-38-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nag-iisip ka ba na lumipat ng tirahan? Tama ang iniisip mo, pero ang mali ay kung ngayon mo na gagawin. Maghintay-hintay ka muna ng magandang pagkakataon para ikaw ay buwenasin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-28-30-32-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bantayan mo ang iyong sarili. Ito ang payo para makaiwas ka sa mga biglaang pag-atake ng karamdaman. Mas maganda ang maingat kaysa sa lumalabis ang tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-27-38-40-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dito sa mundo, ang lahat ay nagbabago. Kaya huwag kang magtaka kung magkaroon ng pagbabago sa paraan mo ng pagpili sa kung sino at ano ang dapat mong mahalin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-24-25-36-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabigat ba ang pakiramdam mo? Akala mo ba ay nagkakasakit ka? Ipanatag mo ang iyong kalooban, ito ay senyales na may mabigat at malaking suwerte na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-25-35-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mo ang sobrang bilis ng pagkilos at pag-iisip. May malaking tsansa na makagawa ka ng pagkakamali, pero maitutuwid mo agad ang mga pagkakamaling ito. Kapag naituwid mo na, sunod-sunod na suwerte naman ang darating. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-23-31-33-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kambal na suwerte ang mapasasakamay mo. Magugulat ang marami dahil akala nila ay wala kang buwenas, ngunit marami pala na halos hindi mo mabilang. Kaya ang mga lihim mong kaaway ay maiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-14-18-23-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page