top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | July 14, 2021 (Miyerkules)

BULGAR
Jul 14, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 14, 2021


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 14, 2021 (Miyerkules): Mabibilis ang mga kaganapan sa iyong buhay. Dapat mabilis ka rin nang sa gayun ay masunggaban mo ang magagandang oportunidad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Negosyo ang unahin mo, kaya ang iba pang bagay ay huwag mo nang tutukan. Ngayon ang magandang pagkakataon para mapalago mo ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-17-24-30-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo ang para sa iyo, huwag kang kukuha ng labis o sobra. Kapag nasunod mo ang payo, pagkakalooban ka ng langit ng higit sa sapat na magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-25-30-35-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Wala kang dapat ipag-alala kahit sobrang mabilis ang mga kilos mo. Ang totoo nga, ito ang susi para dumami pa lalo ang mga pagpapala mo na mula sa langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-14-29-31-32.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo maaawat ang iyong sarili sa pagsunod sa iyong damdamin kahit ang isip mo ay tumututol. Ipanatag mo ang iyong kalooban, ang kaligayahan ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-27-33-36-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Atras-abante ang suwerte mo pero sa huli ay magtutuloy na ang pagdating ng magagandang kapalaran sa buhay mo. Magtiwala ka at sa langit mo ipagkaloob ang iyong tiwala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-24-26-38-41-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang inaayos ng kapalaran ang buhay ng bawat tao. Tulad mo, aayusin ang buhay mo dahil aminin mo man o hindi, tamad kang ayusin ang iyong buhay para sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-21-25-34-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis ang pagganda ng buhay mo, kaya lang, madalas din ay mabilis ang pagkakamali mo. Gayunman, paulit-ulit ding pagagandahin ng langit ang kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-22-26-30-33-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makihalubilo sa gusot kung ayaw mong magusot din ang buhay mo. Tandaan mo ang lumang kasabihan na ang humahawak sa palayok ay tiyak na narurumihan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-10-11-18-21-25.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dala ng hangin ang masarap na pakiramdam sa pagod at hapong katawan. Ipinapayo na maglibang ka kahit ilang oras lang. Ito ay upang manariwa ang iyong sigla at lakas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-29-30-35-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit wala kang gawing anuman at kahit hindi mo hilingin, ikaw ay nakatakdang dalawin ng mga suwerte mo sa buhay. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-27-37-40-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nadadapa ang nagmamadali pero hindi ito para sa iyo. Magmadali ka, ito ang payo nang sa gayun ay mawala sa balanse ang mga lihim at lantad mong kaaway. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-25-34-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang payo ng mga taong malapit sa iyo na sinusuwerte. Sila ang panggagalingan ng iyong magagandang kapalaran. Hindi dapat maging matigas ang iyong ulo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-25-28-30-31-39-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page