top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | July 13, 2021 (Martes)

BULGAR
Jul 13, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 13, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 13, 2021 (Martes): Taglay mo ang kakayahang igiit ang anumang gusto mo. Kaya wala kang katwiran kapag nabigo ka sa buhay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Araw mo ngayon, kaya puwede mong gawin ang anumang gusto mo. Inirerekomenda na ang gawin mo ay ‘yung mga hindi mo nagawa sa nakaraan at hindi mo pa napagtatagumpayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-19-20-26-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aakalain mo na ang araw na ito ay hindi papabor sa iyo. Gayunman, kikilos ang langit at ang lahat ng sagabal sa landas ng buhay mo ay tatanggalin na lahat upang hindi na makaapekto sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-23-29-39-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng masaya at sasaya ang mga pangyayaring mararanasan mo. Magsuot ka ng hindi masaya at ang masasayang nararanasan mo ay hindi na magiging masaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-14-29-30-31.

CANCER (June 21-July 22) - Malakas na tulak mula sa iyong kalooban na tulungan ang mga hindi mo kakilala. Ito ay isang banal na misyon. Ang gantimpala ng langit ay nakahanda para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-21-24-28-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magkahalong saya at lungkot ang madarama mo. Masaya ang paligid mo, pero may nakikita kang sapat na dahilan upang malungkot ka dahil marami ang kapos sa kapalaran na naghihikahos din sa salapi at pagkakautang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-20-21-24-33.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmadali ka dahil marami ang oportunidad na nasa harapan mo na aalis din kapag nakitang mabagal at tatamad-tamad ka. Muli, magmadali ka at huwag kang makupad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-23-25-27-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghanda ka. Palakasin mo ang iyong sarili at lumayo ka sa masasama. Dumating na ang mga araw kung kailan puwedeng-puwede kang magdagdag ng kapangyarihan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-28-30-31-33-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap paniwalaan na kung haharapin mo ang kinatatakutan mong bagay na akala mo ay hindi mo kakayanin, para na ring sinasabing magkakaroon ka ng kakaibang suwerte na agimat o pinakamabisang talisman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-27-34-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ang iyong mga karibal ngayon. Kahit wala kang gawin, aaminin nila na sila ay talunan. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-21-28-30-33-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na mapasasaiyo ang surpresa mula sa mga hindi mo inaasahan. May nakalaan ding surpresa ang langit para sa iyo. Alalahanin mo ang mga naghihirap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-28-29-34-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang masyadong kumpiyansa. May babala na lalabis ang tiwala mo sa iyong sarili bago mo malamang ikaw pala ay naisahan na. Mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-13-14-25-31-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagsisimula nang magdatingan ang mga dagdag na suwerte na noon pa man ay nakalaan na sa iyo. Ingatan at pahalagahan mo ang mga ito. Tandaan mo rin na hindi mo dapat sayangin ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-11-21-26-28.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page