Horoscope | July 12, 2021 (Lunes)
- BULGAR
- Jul 12, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 12, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 12, 2021 (Lunes): Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na maaabot mo ang iyong pangarap, gaanuman ito kataas. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aangat pa ang iyong kabuhayan kahit mabawasan ang iyong sigla. Dahil ang totoo, matatag ang pundasyon na ginawa para sa iyong mapalad na buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-20-23-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang matakot sa mga naiisip mong hindi maganda. Likas sa tao ang mag-alala kahit ang ipinag-aalala ay hindi naman malayong magkatotoo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-22-27-38-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakatutuwa ang mga inggit na inggit sa iyo dahil lihim silang kikilos para pabagsakin ka, pero sila ang magdudusa at lalapit sila sa iyo para sumuko. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-26-28-34-35-37.
CANCER (June 21-July 22) - Malamig ang sagot sa init. Kaya malamig na ulo ang itapat mo sa ulong mainit. Sa ganitong paraan, mabilis kayong magkakaayos ng taong hindi mo kayang mahiwalay sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-15-16-24-26-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong habulin ang umaayaw. Dati nang nangyari sa iyo ang ganu’n at muli kang binalikan. Ganu’n nang ganu’n ang mangyayari dahil sa totoo lang, kakaiba ka sa lahat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-30-31-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtanong ka nang magtanong tungkol sa negosyong gusto mong pasukin. Sa pagtatanong, maraming natututunan at malabong mabigo ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-23-28-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang mga natutunan mo sa nakaraan. Sayang dahil sa sobrang dami, ito ay sapat upang ikaw ay magtagumpay at huwag nang mag-eksperimento pa ng bago at naiiba. Ito ang mensahe sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-22-27-28-33-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maniwala agad sa mapanirang kuwento. Mag-obserba ka at ang una mong obserbahan ay ang nagkukuwento sa iyo. Ito ang mensahe sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-21-27-30-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang takdang araw para sa iyo upang hilingin sa langit ang pinakamalaking kahilingan mo. Huwag ka nang gumamit ng maraming salita, direktang sabihin mo ang gusto mo at ito ay tiyak na ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-28-37-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong layuan ang lumalapit sa iyo. Dahil ang totoo, ayon sa kapalaran mo, ang mga suwerte, bagay man o pangyayari at maging tao ay noon pa inilaan sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-23-28-32-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mangahas na lusungin ang tubig na hindi mo alam kung gaano kalalim. Ang kabiguan ay sanhi ng mapangahas na pagkilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-25-28-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit, ang kakaiba lang ay mas marami at malalaki ang mapassaaiyo. May kondisyon upang hindi na mawala sa iyo ang mga suwerteng ito. Patawarin mo ang nagkamali sa iyo at sumugat sa damdamin mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-10-15-28-30-34.







Comments