top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | July 09, 2021 (Biyernes)

BULGAR
Jul 9, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 09, 2021


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 9, 2021 (Biyernes): Kakaibang lakas ng loob ang dadapo sa iyo. Inaasahan na ang malalaking ambisyon mo ay mapasasaiyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Anuman ang naisin mo ay aayunan ng iyong kapalaran. Gayunman, mas magandang ang gustuhin mo ay dumami ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-21-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglang lalakas ang loob mo. Kapag naramdaman mong nangyayari na, gawin mo na ang mga unang hakbang para sa iyong mga pangarap. Awtomatiko na ang mga kilos mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-16-17-23-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na bibilis ang mga kilos mo. Ang sobrang mabilis, hindi gumagana ang damdamin kaya hindi nadarama ang nararamdaman ng iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-18-20-21-24-26.


CANCER (June 21-July 22) - Muling mangyayari sa buhay mo na kung sino ang nagpapakita sa iyo ng kakaibang galit ay siya pala ang tunay na magmamahal sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-15-23-24-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pabor sa iyo ang araw na ito. Para sa mga kontrabida sa buhay, masikip ang mundo nila. Ngayon ay puwedeng maiwanan mo sila nang milya-milya. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-23-25-32-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabilis na iinit ang ulo mo sa walang kuwentang bagay. Kaya lang sa iyo, akala mo ay may kuwenta ang mga ito na sa totoo lang ay hindi naman dapat pansinin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-27-28-30-32-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sarili mo ang kalaban mo. Hindi madaling talunin tulad ng mga umaway sa iyo. Pero sa simpleng pagbibigay mo ng saya sa sarili mo, mawawala ang paglalabanan n’yo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-15-18-29-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Patuloy na pinagaganda ng langit ang kapalaran mo. Hayaan mo lang ang mga nangyayari sa iyong harapan. Sa huli, ang tunay na kaligayahan ay iyo nang matitikman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-15-16-26-28-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makadarama ka ng lungkot ngayon, pero panandalian lang dahil matatabunan ito ng magagandang bagay na mula sa isang bagong kakilala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-17-25-26-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Wala nang basehan ang iyong kaduwagan. Naaalala mo ba na minsan ay natakot ka pero nang kumilos ka, ang mga takot mo ay nawala na parang bula? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-25-31-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatatawa ang nangyayari sa iyo ngayon. Hindi ka mawawala sa isip ng taong galit na galit sa iyo. Kung sino ang agrabiyado, siya ang nagalit sa iyo dahil hanggang sa pagtulog, umuukit sa kanyang isipan ang larawan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-22-28-30-31-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakaapekto sa trabaho ang sobrang nagmamahal. Bawasan mo ang nadarama mo dahil maganda ang may trabaho kaysa wala. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-25-27-30-39-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page