Horoscope | July 06, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 06, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 6, 2021 (Martes): Kikilos ang kapalaran sa iisang direksiyon kung saan magkakaroon ka ng magandang buhay. Kahit marami kang magiging pagkakamali, gaganda pa rin ang iyong kinabukasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sasaya ka ngayon dahil sa araw na ito, pasasayahin ka ng kapalaran mo at ang magtatangka na bigyan ka ng kalungkutan, tiyak na sila ang malulungkot. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-11-19-23-28-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaiba ang magiging pakiramdam mo at ito ay nagsasabing damang-dama mo na ikaw ang susuwertehin ngayon at ito ay totoong-totoo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-28-31-32-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal na parang hihinto ang pagnanais mo na mas umangat pa dahil ibang bagay ang tututukan mo. Ang mga ito ay walang kinalaman sa pagpapatag ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-20-21-24-26.
CANCER (June 21-July 22) - Malakas ngayon ang iyong likas na gayuma. Kung gagamtin mo ito para makinabang ka, tiyak na madadagdagan ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-24-27-35-40-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Umiwas ka sa mga bagay na alam mong puwede kang madehado. Hindi ngayon ang panahon para mabawasan ang nasa iyo na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-22-24-31-32-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magpakatatag ka dahil muling nagbalik ang mga tukso sa buhay mo. Sa pagkakataong ito, malakas at masyadong mapilit ang mga tukso. Muli, tatag at tibay ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-24-29-30-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga kontrabida sa buhay mo at silang lahat ay sama-samang daranas ng kamalasan ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-25-31-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Umagwat ka sa dikit nang dikit sa iyo. Ito ay dahil hindi sinasadya na puwedeng malipat sa kanya ang ilang suwerte mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-26-28-38-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magbabago o magpapalit ng iyong ambisyon dahil kahit nag-aalinlangan ka, tamang landas na iyong tinatahak. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-29-30-34-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahalaga ngayon sa iyo ang musika o himig ng mga awitin na sa iyo ay nagbibigay ng ligaya. Ito mismo ang panlaban mo sa mga pagsubok na iyong kinakaharap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-20-22-25-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mananatili nang may katagalan sa iisang lugar. Puwede kang tumayo, lumakad at bumalik muli, pero ang pananatili sa iisang lugar ay hindi makabubuti sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-7-22-23-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamasyal ka. Kailangan mong mabago ang pakiramdam mo. Hindi lang mananariwa ang iyong sigla dahil sa pamamasyal, mahimalang susuwertehin ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-18-21-25-28.




Comments