Horoscope | July 05, 2021 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 05, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 5, 2021 (Lunes): Bilis ang sandata ng kapalaran na ipinagkaloob sa iyo ng langit simula nang ikaw ay isinilang kaya dapat ay palagi kang mabilis at hindi nag-aalinlangan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kilos ang sagot sa pagkabagot. Tutok sa kasulukuyang plano ang sagot sa pagdadalawang-isip. Ang kambal na susing ito ng tagumpay ang mag-aangat sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-20-25-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Samantalahin mo ang araw na ito kung kailan susuwertehin ka sa negosyo. Huwag mong sayangin ang pagkakataon. Kumilos ka nang kumilos. Hindi maganda kung naghihintay ka lang. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-17-23-29-30-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ay araw mo kung saan puwede mong maiwanan nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Ang mga lihim na naghahangad na mabigo ka, langit ang kanilang makakalaban. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-25-27-34-36.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi na kailangang hintayin mo pa ang iba dahil lang hindi sila makapagdesisyon. Ang oras ay mahalaga, lalo na sa tulad mong papasulong ang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-15-23-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magpatalo sa sarili mo na hindi mo kailangan ang ibang tao. Higit kailanman, ang mga kaibigan, lalo na ang malalapit sa iyo ay pinanggagalingan din ng iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-13-22-28-31-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masuwerte ka dahil mismong langit ang naglilinis ng landas ng buhay na iyong tinatahak. Langit din ang siyang nagtatanggal sa mga negatibong puwersa na nasa isip mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-21-24-25-37-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kakaiba ang dating ng suwerte mo ngayon dahil magmumula ito sa isang biglang nasulyapan at sa kanya puwedeng manggaling ang bagay na magpapasarap sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-22-23-39-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gugulo ang isip mo kung hindi ka hihinto sa kakaanalisa ng mga bagay-bagay. Ang isip ng tao ay parang gilingan, ayaw huminto kahit wala namang kuwenta ang ginigiling. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-20-25-26-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Simple lang ang paraan para magbalikan ang mga suwerte mo. Paminsan-minsan, tumingala ka sa langit. Madaling gawin kaya sundin mo at gaganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-23-38-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bagama’t kinakawayan ka, dapat mong maisip na hindi ka hinihintay ng mga suwerte mo kaya ikaw ang lumapit. Kumbaga, kailangan mong gumalaw at huwag nang maghintay, lalo na kung matagal ka nang naghihintay at wala namang dumarating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-24-25-33-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Walang silbi ang lobo kapag walang hangin. Hindi makakakilos nang maayos ang iyong karelasyon kapag wala kang bendisyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-22-23-37-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magmumula sa malayo ang mga suwerte mo at sa malayo rin manggagaling ang mga magpapalakas ng loob mo. Huwag mong kaligtaan na sila ay pasalamatan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-24-26-35-38.




Comments