Horoscope | July 04, 2021 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 04, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 4, 2021 (Linggo): Mahalin mo ang iyong sarili kaysa sa ibang tao. Ito ang tunay na unang utos at ang pangalawa ay mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang hindi ka naaapektuhan ng mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang sikreto upang maglayasan sila sa harapan mo. Gawin mo ito at makakalaya ka sa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-20-25-34-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdalawang-isip. Dapat ang isip ay nakatuon sa iisang gagawin at huwag mong kalimutan na ang pag-aalinlangan, kahit kailan ay hindi makabubuti sa tao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-28-30-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Lumilipad palayo ang mga ibon nang dahil sa ingay. Iwasan mong magalit nang wala sa lugar dahil tulad ng mga ibon, lumalayas ang mga suwerte dahil sa walang kuwentang ingay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-13-21-29-36.
CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong damdamin. Ibig sabihin, kontrolin mo ang iyong emosyon dahil ang mga taong malayo ang nararating sa buhay ay hindi nagpapatangay sa bugso ng damdamin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-27-31-32-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pilitin ang ayaw makiisa sa iyo. Kusa rin naman silang magsisilapit dahil ang hindi nakadikit sa iyo ay hindi pa gaganda ang kapalaran at patuloy na masasaktan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-28-29-31-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagmasdan mo ang mga dakilang pyramid, ang mga ito ay binubuo ng paisa-isang pinagpatong-patong na bato. Alam mo ba na kapag naipon ang iyong pinagsikapan, ikaw ay yayaman? Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-26-27-30-43-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dito sa mundo, kusang nagsasama-sama ang magkakatulad at nahihiwalay ang mga hindi naman magkapareho. Kaya huwag kang malungkot kapag may nawala sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-22-25-34-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi huminto ang langit sa pagsasaayos ng kapalaran mo. Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil kapag langit ang nag-aayos, tiyak din namang maaayos ang lahat. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-28-31-32-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Minsan, kailangang magsakripisyo nang sa gayun ay mas gumanda pa ang kapalaran. Kahit naman umatras ang kabuhayan, muli rin itong susulong. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-20-28-31-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Huwag na huwag mong kaliligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-22-26-31-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas malaki at marami ang mapasaiyo, dalawin mo ang isang nangangailangan ng simpatya at tulong. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-9-11-16-23-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong kaliligtaan na ang sarili mo ay mas mahalaga kaysa sa ibang tao. Unahin mo ang sariling kapakanan. Gawin mo at hindi ka magsisisi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-17-20-38-41.




Comments