top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | July 03, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 03, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 3, 2021 (Sabado): Hawak mo ang iyong kapalaran, kaya huwag mong sayangin ang pribilehiyong ito na kaloob sa iyo ng iyong langit. Gamitin mo ang mga ito sa iyong mga ambisyon sa buhay.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tama ka. Malayo sa iyo ang mga pangkaraniwang nilalang. Pero ito man ay totoo, mas mabuting makipantay ka sa kanila nang sa gayun ay sumaya at lumigaya ka sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-20-24-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bantayan mo ang mga taong may hindi magandang motibo. Marami sila na nagdaratingan sa buhay mo kaya muli, bantayan mo sila at ang isa pang payo, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-18-21-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang maniwala sa sabi-sabi. May kakayahan kang malaman kung ano ang totoo, kaya gamitin mo ang iyong talino. Kapag ganyan ka, mas madaling dadapo sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-15-19-25-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Matiyagang nag-aabang ng tamang pagkakataon ang mga gagawa ng mali. Pero kung palagi kang listo, masasayang lang ang oras nila sa kahihintay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-24-25-30-33-40-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung gusto mo pang madagdagan ang mga biyayang iyong tinatamasa, ibahagi mo sa iba ang ilang hindi mo na kailangan at hindi mo na gusto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-25-39-40-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap paniwalaan pero isang katotohanan na ang ayaw nang ayaw, sa totoo lang ay gustong-gusto. Sino siya? Sino pa nga ba, kundi ikaw ang nagkukunwaring ayaw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-17-24-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilalapit muli ng iyong kapalaran ang isang puwedeng magbigay sa iyo ng masarap na buhay. Muli mo ba siyang tatanggihan? Ito ang pag-aralan mong mabuti. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-21-25-27-34-36-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong kaliligtaang pansinin ang nagpapapansin. Ito ay upang hindi na maulit ang tampuhan na umabot ng mahabang araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-22-28-30-31-38-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na ang mas malalaking suwerte ay nag-aabang at hindi mapalagay. Gayundin, ito ay inip na inip na dumapo sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-21-23-33-35-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kagulat-gulat ang iyong kapalaran sa araw na ito na nagsasabing, ang pag-angat ng buhay mo kung saan mas dadami ang nakakikilala sa iyo ay mangyayari. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-23-26-35-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon mo na maaakit ang isang sa biglang tingin ay mailap at galit sa iyo pero matutuklasan mong siya pala ay maamo at punumpuno ng wagas na pagmamahal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-25-38-41-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sino ang pilit na ibinabagsak, pero ang bawat magtangka na siya ay pabagsakin ay nabibigo at sila pa ang nakakaranas ng masakit na pagbagsak? Sino pa nga ba kundi ikaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-15-29-30-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page