Horoscope | July 02, 2021 (Biyernes)
- BULGAR
- Jul 2, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 02, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 2, 2021 (Biyernes): Mataas ang iyong personalidad. Hindi ka puwedeng basta-bastang ibagsak ng iyong mga kaaway. Pero ang hindi nila alam, sila ang magsisibagsak.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iiral ang iyong kabaitan, kaya kahit ikaw ay maisahan, wala kang galit kaninuman. Ang totoo, sa gagawin mong kabaitan, hahangaan ka ng langit at bibiyayaan ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawakan mo ang iyong sarili. Nagbababala ang araw na ito at mga araw pang darating na puwede kang maging emosyunal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-22-25-32-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Mag-ingat ka dahil halata na madali kang madadaya ngayon. Para makaiwas, mas magandang ang magpapasya ay ang iyong pinagkakatiwalaan o silang mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-17-26-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Mag-obserba ka bago maniwala sa mga sabi-sabi. Hindi sapat ang mga kuwentong maririnig mo para agad kang maniwala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-15-28-30-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon magsisimulang magdatingan ang iyong mga buwenas. Sobra at sapat ang mga ito upang mabawi mo ang mga nawala sa iyo sa nakaraang mga araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-21-23-26-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag ginawan ka ng hindi maganda, gantihan mo ito ng kabaitang loob. Mahirap itong gawin, pero sa maniwala ka o hindi, ito ang tunay na susi para mapasaiyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-25-27-36-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang may mababang loob, sa kanya ka dumikit. Dahil ang sikreto ng magandang kapalaran mo, ang makasama mo ngayon ang may mababang kalooban. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-26-28-38-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa mga tukso. Sa ngayon, hindi naman lingid sa iyo na ang mga tukso ay lagay nang lagay sa harapan mo. Muli, layuan mo ang mga tukso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-17-22-23-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Alamin mo muna ang motibo ng nagpapakita sa iyo ng maganda dahil ang mga mandaraya ay maganda rin ang ipinakikita. Sa ganitong paraan, makaliligtas ka sa bitag nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-8-11-16-23-25.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang nasa malapit, siya ang makatutulong sa iyo. Kapag nagpokus ka sa mga nasa malayo, magsasayang ka lang ng oras. Muli, kung sino ang nasa malapit, siya ang iyong maaasahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-13-28-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na dadapo sa iyo ang suwerte na kung abala ka sa ibang bagay, maaaring ikaw ay iwanan din ng iyong mga suwerte. Mas magandang tutukan mo ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-21-24-28-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masarap na buhay ang inihahanda sa iyo ng kapalaran mo, kaya puwede na ring sabihin na matatapos na ang mga araw ng kagipitan at paghihirap. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-17-24-27-35.




Comments