top of page

Horoscope | January 9, 2024 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 9, 2024

Sa may kaarawan ngayong Enero 9, 2024 (Martes): Sa taong ito ng 2024, alam mo kung sino ang pinagpala? Sino pa ba, kundi ang mga taong gumagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa. 

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit sobrang dami ng laman ng isipan mo at ginagawa, isingit mo ang pagtulong sa kapwa. Sa ganitong paraan, ang mga biyaya ng langit ay dadaloy sa buhay mo tulad ng agos ng ilog. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-14-29-37-45. 


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng lakas sa mga taong palaging nakaalalay sa iyo. Pero palalakasin din ang tapang mo at lakas ng loob ng mga taong hindi mo maisahan sa panahon ng kagipitan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-18-23-25-34.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking yaman ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Gayunman, kapag pinili mo ang saya kaysa sa kabuhayan, hindi ka yayaman ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-29-30-33-36.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag ka nang maghintay ng senyales mula sa langit dahil ang pagkakataon ay nasa harapan mo na. Ang gagawin mo na lang ay lakasan mo ang iyong loob sa pagsunggab. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-24-26-35-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Piraso ng bakal ang iyong pampabuwenas ngayong taong ito. Puwedeng luma o may sira, ang mahalaga ay gawa ito sa metal. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-13-24-39-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lagyan mo ng kislap ang buhay mo at magugulat ka dahil magkikislapan din ang magagandang kapalaran na darating sa iyo. Ito rin ay nagsasabing ang kalungkutan ay iyong iwasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-25-30-31-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napakaraming pagkakataon ang mapasasaiyo ngayong Bagong Taon na magbibigay sa iyo ng masarap na buhay. Kailangang mamili ka ng isa at hindi puwede ang magkakasabay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-18-29-39-40-46. 


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Atras-abante ang suwerte mo ngayon taon, pero sa huli ay matatagpuan mo ang iyong sarili na malaki ang isinulong kaysa sa mga nakaraang panahon.  Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-24-39-40-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang makabubuti sa karamihan, ‘yun ang iyong piliin. Mas makikinabang ka kapag ganito ang iyong desisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-20-21-25-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaki ang pagbabago sa buhay mo ngayong taon. Mapasasaiyo ang noon ay ipinagdamot sa iyo ng kapalaran.  Magpasalamat ka at magbigay ng papuri sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-20-25-34-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka. Walang sinuman ang may karapatan na bigyan ka ng lungkot. Hawak mo ang kapalaran mo kaya ang payo ay muli kung saan ka masaya, roon ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-29-30-35-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tapang at lakas ng loob ang iyong gawing puhunan. Marami na ang nagtagumpay dahil sa kanilang tapang at lakas ng loob at ikaw ay nakatakdang mapabilang sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-25-27-38-40-45.


Komentarze


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page