top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | January 8, 2024 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 8, 2024

Sa may kaarawan ngayong Enero 8, 2024 (Lunes): Gamitin mo sa pagpapaunlad ng kabuhayan ang mga suwerteng ihuhulog sa iyo ng langit. Huwag mo na itong gamitin sa ibang larangan ng iyong buhay.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isuot o dalhin mo ang isang metal na matagal mo nang iniingatan. Ito mismo ang iyong pampasuwerte sa araw na ito. Huwag ka nang mag-alinlangan pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-21-24-39-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Alisin mo ang iyong sapin sa paa at maglakad ka sa loob ng bahay o kuwarto. Kailangang sumayad ang mga paa mo sa lupa o sa semento. Ito ang pampasuwerte mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-14-25-33-41-44.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Gusto mo bang magbalik ang iyong masusuwerteng araw? Kung may kukunin ka, tumayo ka agad at saka mo kunin, gawin mo ito nang madalas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-23-29-31-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Nasa tubig ang suwerte. Kung maliligo ka, tagalan mo ang pagbuhos ng tubig sa katawan mo. Kung iinom ka, dagdagan mo ang tubig na iniinom mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-27-34-40-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Init ang bumubuhay sa suwerte, kaya magpasalamat ka kapag may taong nagpainit ng ulo mo. Magpasalamat ka rin sa mga may lihim na init kang nadarama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-4-11-23-32-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ang antik o sobrang lumang bagay na itinatago at pinahahalagahan mo. Linisin mo ito at subukang ibalik ang kislap. Sa ganitong paraan, ang magagandang kapalaran ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-19-25-28-33-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nasa loob ka ng bahay, isuot mo ang paborito mong damit kung kailan nadarama mo na mas maganda kapag ito ay suot. Ito ay simpleng paraan para suwertehin ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-20-29-33-38.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong atrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo kapag ito ay hinarap mo. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-9-10-13-21-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbabalikan ang iyong mga suwerte kapag nasunod mo ang simpleng payo na sa malayo ka tumingin kahit paminsan-minsan lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-6-12-18-27-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isuot mo ang lumang relos mo dahil ang iyong lumang orasan ang magsisilbing panghatak ng mga suwerte na nasa paligid mo at nang mga ito ay magsidapo sa iyo mismo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-25-35-41-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangang mahalikan ka ng hangin sa pisngi at labi. Dahil dito, magandang pumunta sa lugar na may daloy ng sariwang hangin. Ito ang pampasuwerte mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-21-34-40-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Espesyal na pakitaan mo ng pagpapahalaga ang iyong mga paa. Sa paliligo, linisin mo itong mabuti. Sa ganitong medyo kakaibang paraan, ang mga suwerte ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-16-19-22-31.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page