Horoscope | January 7, 2024 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 7, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 7, 2024 (Linggo): Malayo ang iyong mararating. Ibig sabihin, magtatagumpay ka at ito rin ay mangyayari sa lahat ng aspeto ng iyong kapalaran lalo na sa materyal na bagay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang mayaman mong imahinasyon upang mas lalo kang yumaman. Huwag mo itong gamitin sa paglikha ng mga negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-15-20-24-38-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdalawang-isip. Kung ano ang una mong plano, ‘yun na ang gawin mo. Ang anumang pagpapalit ng pasya ay isang bukas na pintuan ng kabiguan para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-9-12-25-34-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung saan ka madadalian ‘yun ang piliin mo, dati mo nang ginagawa ang ganitong pormula at ikaw ay nagkaroon ng mas madaming kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-20-24-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Manghiram ka ng ideya sa mga taong alam mong nagtagumpay na. Hindi masamang mangopya lalo na kung gagamitin mo ito sa pagpapasaya sa ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-25-28-30-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang kukurap. Ibig sabihin, ‘wag ka na magpalit ng desisyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-12-28-38-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hawakan mo ng mahigpit ang nasa sa iyo, at idagdag mo pa ang mapapasaiyo palang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-18-20-26-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong balewalain ang maliit dahil dito sa mundo ang malalaki ay galing sa maliliit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-27-32-40-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumuha ka ng payo sa mga kilala mong sinuwerte na. Kapag ito ang iyong sinunod, tulad nila susuwertehin ka rin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-19-26-35-39-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang tagumpay at kabiguan. Ibigay mo ngayon ang iyong makakaya sa lahat ng bagay. Ito ang isabuhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-21-23-30-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patuloy na darating ang suwerte mo. Ang iba ay maaantala dahil kumukuha pa sila ng buwelo upang mapahiya ang mga taong walang tiwala at bilib sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-25-33-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mula sa malayo, may malaking oportunidad ang darating sa iyo. Mula sa malapit ang tulong na kailangan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-19-22-23-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka masaya, roon ka! Dahil noon pa man, kapag masaya ka ang mga suwerte ay nag-uunahang dumapo sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-28-30-33-35.




Comments