top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | January 6, 2024 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 6, 2024

Sa may kaarawan ngayong Enero 6, 2024 (Sabado): Ipagpatuloy mo lang ang pagtulong sa mga taong alam mong hirap sa buhay. Ito ang iyong misyon ngayon.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magagawa mo na ngayon ang mga magagandang ideya na nabuo mo noong ika’y nasa bahay lang. Ang tagumpay ay masusumpungan mo ngayon sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-6-9-24-27-33.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dahan-dahan lang, huwag kang magmadali. Hayaan mo ang iba na sabik at sobrang masigasig, dahil maaga rin namang mauubos ang kanilang sigla at lakas. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-15-23-33-41-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Habang ginagawa mo ang iyong dating trabaho, dapat bukas din ang iyong isipan sa mga bago at kakaibang paraan, kung saan ay mababawasan ang iyong paghihirap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-19-25-35-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang mga masasaksihan mo ngayon, dahil darami ang mga taong magsisikap sa kanilang trabaho. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-20-29-34-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Mula noon hanggang ngayon, ikaw pa rin ang nangunguna. Pero, may ilan na magtatangkang agawin sa iyo ang pangunguna. Ngunit ‘wag kang mag-alala, dahil mabibigo rin naman sila. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-10-19-22-34-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magbabalik ang lahat sa normal. Ibig sabihin, ipagpatuloy mo lang ang pag-iingat dahil ang mga taong maiingat ay nakaliligtas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-23-32-38-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga balitang nagbibigay sa iyo ng kalituhan. Ang intindihin mo ngayon ay ang iyong sarili. Ituloy mo lang ang matagal mo nang pinaplano. Ngayong 2024, tiyak na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang mga suwerteng matagal mo nang hinihintay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-15-24-33-39-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magmadali. Gawin mo lang ang simpleng ginagawa mo. Pero, kapag nakakita ka ng oportunidad na mabilis na madaragdagan ang kita mo, agad mo itong sunggaban. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-7-11-22-32-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nakahanda ang iba sa pagpasok ng Bagong Taong 2024.  Maski ikaw, hindi rin gaanong handa na sumulong. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-28-33-39-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sabik ang tao sa pamamasyal. Madami ang aaya sa iyo na pumunta sa malayong lugar na wala namang gagawin kundi ang mamasyal lang. Hayaan mo sila, pero huwag kang sumama. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-7-22-36-40-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sobra kang nakiliti sa balitang higit na mas magiging maunlad ang 2024 kung ikukumpara sa 2023. Tama lang ang iyong nararamdaman, dahil isa ka sa makikinabang sa mga kapalarang ipagkakaloob sa iyo ng langit ngayong taon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-22-26-31-35.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong kalimutan na iba na ang buhay ngayon. Bago na ang pangkaraniwang ginagawa, at hindi mo na dapat balewalain. Dagdag dito, mabilis na ang teknolohiya, kaya bilisan mo rin ang pagkilos. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-9-18-21-28-34.

 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page