ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 5, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 5, 2024 (Biyernes): Kabilang ka sa mapapalad na nilalang, kahit hindi ka gaanong magsikap, susuwertehin ka pa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Itago mo ang iyong lungkot upang buwenasin ka. May pagkakataong ang tao ay kailangan magkunwari nang sa gayun ang magagandang kapalaran ay magdatingan sa kanyang buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-6-9-15-21-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa malulungkutin at paladaing. Hindi lang karamdaman ang nakakahawa dahil maski ang personalidad ay nakakahawa rin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-15-18-24-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mong malibang sa mga aktibidad na pag-aaksaya lang ng oras. Marami ka pang kailangang gawin para mapalapit ka sa iyong mga pangarap. Masuwerteng-red. Tips sa lotto-15-19-23-27-34-45.
CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang mga kaibigan mong malalapit sa iyo, sila mismo ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-7-16-20-22-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong mga kahilingan. Gumamit ka ng mga simpleng salita at huwag nang lagyan pa ng mga kung anu-anong paliwanag at dahilan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-6-28-34-43-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept.22) - Makipagsapalaran ka upang mabilis na sumulong ang buhay mo. Rito sa mundo, kung sino ang nakikipagsapalaran, sila ang mas gumaganda ang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-22-28-33-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct.22) - Kung saan maaaliw ang iyong mga mata, ‘yun ang piliin mo. Hindi maganda sa tao ang nagtitiis sa inis at naglilihim ng galit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-17-19-24-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov.21) - Kung sino ang nakakatulong sa iyo ngayon, siya ang suwerte mo. Kung siya ay may mga kahinaan at kapintasan, tanggapin mo na lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-28-34-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mo nang hanapin ang wala, at kung sino lang ang umaalalay sa iyo, sila lang ang ingatan at mahalin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-17-19-28-44-45.
CAPRICORN (Dec. 22- Jan. 19) - Dadalawin ka ngayon ng suwerte. Kung sino ang aktuwal na dumadalaw sa iyo, siya mismo ang suwerte mo. May mga suwerte ka sa mga taong biglang dumating muli sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-22-29-31-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang ayaw mo, iyon ang mangyayari. Pero magugulat ka, dahil ang ayaw mo pala ay ang mas maganda kaysa sa gusto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-19-25-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang dikta ng kapalaran. Sa mga kaibigan magmumula ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-4-13-22-39-45.
Comments