ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 31, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 31, 2024 (Miyerkules): Nakabukas ang mga kamay mo sa pagtulong sa iyong kapwa. Ang payo ng kapalaran ay huwag mo ring kalimutan ang iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo na kailangang unawain ang iyong kaibigan. Ang magkaibigan ay hindi nag-iiwanan kahit na sabihing hindi sila magkaintindihan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-18-21-24-28-34.
Â
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang lumingon sa kaliwa dahil baka matukso ka sa pagkakasala. Huwag ka ring tumingin sa kanan dahil baka magbago pa ang iyong pasya. Ituloy mo lang ang paglakad sa tamang landas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-20-30-35-42.
Â
GEMINI (May 21-June 20) - Bakit mo pakikinggan ang mga salungat na ipinapayo sa iyo? Ang totoo, higit mong alam kung ano ang makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-24-26-38-41.
Â
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hayaan na lumabas ang pagiging emosyonal mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-16-20-29-33.
Â
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mahalaga kung may kakampi ka o wala. Ang importante ay hindi pa nawawala ang ningas ng pag-asa na alam mong matutupad mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-22-28-37-42.
Â
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga taong walang pangarap sa buhay. Sila ang nabubuhay sa kasalukuyan na hindi pinapahalagahan ang kanilang hinaharap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-14-22-38-40.
Â
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makihalo sa gulo ng iba, at mas magandang manahimik ka na lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto- 8-19-28-31-35-42.
Â
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakikita ng mga manonood kung ano ang maganda at tama. Siya rin ay may natutunang ginintuang mga aral sa buhay. Mas magandang panoorin mo ang buhay sa mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-20-24-27-33-41.
Â
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahihiwalay ka sa karamihan kapag hindi ka nakisakay sa agos ng buhay. Hindi ka dapat mapag-iwanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-22-25-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Awit ng pagmamahal ang naririnig sa huni ng ibon. Dumating na ang takdang panahon ng pagsusuyuan. Lakasan mo ang iyong loob para maranasan mong magmahal. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto- 8-16-18-23-39-44.
Â
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kulang sa tamis ang iyong buhay. Matamis sa una, pero tumabang dahil hindi na nagbabago ang takbo ng bawat araw para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-22-28-33-37.
Â
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang payo sa panahon ngayon para sa mga katulad mong hindi gaanong naniniwala sa tradisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-14-22-27-31-39.
Â
Comments