top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | January 23, 2024 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 23, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 23, 2024

Sa may kaarawan ngayong Enero 23, 2024 (Martes): Negosyo ang magpapayaman sa’yo. Ito ang dahilan kung bakit hindi ka tumatagal sa iyong mga pinapasukan. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilis ang susi para makuha mo ang anumang gusto mo. Ang pag-aalinlangan ay huwag mong hayaan na makasingit sa’yo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-20-23-34-46.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang gusto mo, huwag mo itong baguhin pa, kung ayaw mong manghinayang at magkamot ulo habang nagsisisi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-11-18-21-26-38.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang mga darating na mga araw ay sa iyo pa rin. ‘Wag mong hayaang makalampas ang masuwerteng panahon. Makipagsapalaran ka sa larangan ng negosyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-23-25-27-35.

 

CANCER (June 21-July 22) - Tatalas ang iyong isipan. Lumayo ka sa mga taong alam mong hindi maganda ang motibo sa iyo, at magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-21-29-30-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang mag-alala kapag nawalan ka. Nabawasan na noon ang kaban ng yaman mo, ngunit mas lalo namang lumago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-16-23-34-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na inilaan sa iyo ng langit. Humiling ka, basta’t wag ka lang mag-alinlangan sa iyong kakayahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-26-30-37-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong alahas na kuwintas, dahil ito ang iyong pampasuwerte sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-11-14-31-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumaya ka sa negosyo upang kumita ka ng malaking halaga. Kung hindi ka naman tataya, kikita ka pa rin naman kaya lang ‘di na ito gaanong kalakihan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-22-29-33-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ka dapat matuwa, iwan mo muna ang paghahanapbuhay. Magsaya ka para manariwa sa iyong ang iyong lakas at sigla. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-13-15-26-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sobrang seryoso ka. Ang anumang sobra ay hindi maganda. Makibahagi ka sa mga kuwentuhang nagbibigay ng saya’t ginhawa sa pagod mong isipan at katawan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-18-20-24-39-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang dumikit sa mga malulungkutin. Lumayo ka rin sa mga taong paladaing dahil hindi ka bagay sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-22-29-38-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng magtagal sa loob ng bahay. Mas magandang lumabas ka at magliwaliw sa mga naggagandahang pasyalan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-15-27-33-37-41.

 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page