top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | January 20, 2024 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 20, 2024

Sa may kaarawan ngayong Enero 20, 2024 (Sabado): Paglilingkod sa kapwa ang isa sa mahalagang misyon mo rito sa lupa. Kaya kahit na mapanganib, ika’y makikitang nagmamalasakit pa rin sa mga tao.


 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madali kang maawa. Pero kailangan mong mag-ingat, panatilihin mo ang pagkakaroon ng distansya sa iyong kakaawaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-23-29-33-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaibang ligaya ang iyong mararamdaman sa iyong pamilya. Ito ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran sa taong ito ng 2024. Isabuhay mo ang pang-uunawa at pagmamahal sa iyong pamilya upang mas lalo pang dumating ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-21-27-30-37.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Marami ka mang hirap na pagdaraanan ngayon. Magugulat ka dahil pagbungad na pagbungad palang ng buwang ito ng Enero, marami ng suwerte at magagandang bagay ang darating sa’yo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-8-19-22-31-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Ingatan mong matangay ka ng iyong damdamin, dahil kapag lagi mong pinairal ang iyong emosyon, mahihirapan kang umasenso sa taong ito ng 2024. Sa pamamagitan ng isip at mahusay na pagpapasya, sunud-sunod na suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-20-28-33-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka, pero hindi porke malakas ang isang tao, hindi na siya magkakasakit. Ingatan mo ang iyong ang kalusugan dahil madami pang suwerte ang dadating sa’yo na hindi mo dapat sayangin o palampasin dahil lamang sa iyong pagkakasakit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-22-29-33-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Unti-unti mo nang matatanggap na hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Pero, hindi ka dapat magmukmok at malungkot dahil kahit hindi na bumalik ang nakaraan, mas higit na suwerte at magandang kapalaran ang nakaabang sa iyo sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-21-26-35-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aatake na naman ang mga inggit na inggit sa’yo. Huwag mo silang pansinin. Tulad ng dati, wala silang magagawa laban sa‘yo dahil ang kanilang mga kuwento ay isa lamang imbento. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-17-20-33-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag napansin mong nagsisinungaling ang isang tao, agad mo na itong layuan dahil maaari ka pa niyang mabiktima. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-19-25-28-35.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumulong ka! Sa panahon ngayon, ang lahat ay dapat na tumulong sa kapwa. Nakamasid ang mata ng langit, pagpapalain at bibigyan ng madaming suwerte ang mga taong matulungin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-18-27-30-33.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ituloy mo lang ang ginagawa mong pagsisikap. Lumilinaw na ang bolang kristal, kitang-kita sa darating na mga araw, hihiga ka na sa pera. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-14-25-29-34.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Unahin mo ang iyong kapakanan, kapag nasa ayos ka na saka mo gawin ang pagtulong. Ang mga taong ‘di nag-iingat at sugod nang sugod ay malaki ang tsansang magkasakit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-17-22-26-35-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi naman masama ang magtanong. Sa katunayan, ang masama ay ang ayaw magtanong at nagkukunwaring magaling. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto- 9-16-19-24-33-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page