Horoscope | January 19, 2024 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 19, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 19, 2024 (Biyernes): Kabilang ka sa tinatawag na mapalad. Ikaw ay kusang dadapuan ng suwerte kahit na wala kang gawin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumuha ka ng lakas sa sikat ng araw. May babala na hihina ang iyong kalusugan dahil sa sobrang pag-iisip at pagtatrabaho. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-18-20-34-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakita ng nasa itaas na kapag nagpatuloy ang pananamlay mo maaari kang magkasakit, kaya kumilos ang langit upang ika'y pasiglahin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-15-20-24-30-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo lang ang diskarte mo. Huwag kang magpapaapekto sa mga taong negatibo. Wala kang mapapala sa kanila, kaya huwag kang makinig sa sasabihin nila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-19-20-23-32.
CANCER (June 21-July 22) - Nakahanda na ang langit na bigyan ka ng malaking suwerte. Itakwil mo ang mga hindi maganda, lalo na ang mga pananaw na makaluma. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-16-28-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang, agad na kikilos ang langit at ikaw ay pagbibigyan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-19-20-27-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo na bigyan ng halaga kung magugustuhan ba ng iba ang gusto mong gawin. Gawin mo agad at makakaasa ka na ang bendisyon ng langit ay tiyak na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-21-26-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Angat na angat ngayon ang magaganda mong katangian. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-9-17-22-27-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Marami ang umaasa sa iyo. Ipagpatuloy mo ang pagsasakripisyo. Ang langit na ang magreregalo sa iyo dahil sa kabutihang ipinapakita mo sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-18-22-26-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kambal-kambal ngayon ang suwerte mo, at ibahagi mo ito sa iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-24-27-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ingatan mo ang mga biyaya na mula sa langit. Hindi dapat ito masayang. Ang mga taong nag-iingat sa biyaya ay mas lalong pinagpapala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-21-26-29-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magyabang, at kapag natutukso kang magyabang. Isipin mo na minsan ay walang tumulong sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-19-28-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon, pero may kondisyon na nagsasabing kahit na hindi humingi ng patawad ang nagkamali at nagkasala sa iyo, patawarin at ibalik mo ang inyong dating masayang pagsasama. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-12-27-32-35-42.




Comments