Horoscope | January 17, 2024 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 17, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 17, 2024 (Miyerkules): Sapat ang magagandang katangian mo para maabot ang pinakamalaki mong ambisyon. Ito ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga makakasira sa iyong diskarte. Huwag mo hahayaang magbago ang takbo ng isipan mo nang dahil sa mga sinasabi nila na wala namang kabuluhan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-21-27-30-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo ang pangarap mo. Marami ang magsisikontra dahil aakalain nila na hindi mo ito makukuha. Mapapahiya silang lahat at sa huli ay magsisidikit sila sa iyo nang may paghanga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-18-24-33-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Madaling masaktan ang damdamin mo ngayon, kaya lumayo ka sa mga kinaiinisan mo. Madali kang mapaniwala sa magagandang salita, kaya umiwas ka sa may sanga-sangang dila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-7-11-22-29-31.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Kapag pinilit mong kayanin ang hindi mo kaya, hihina ang katawan mo at ang mahinang katawan ay hindi maganda sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-20-25-33-40-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magalit. Umiwas ka sa mga nakagagalit na sitwasyon. Napakalakas ng iyong personalidad kapag nagagalit ka at sa lakas nito, magkakaroon ng takot ang malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-4-8-10-19-28.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawal humatol sa kapwa dahil ang utos na ito ay para sa iba at hindi gaanong bagay sa iyo dahil ang mga hatol mo noon pa man ay nasa ayos at nakasentro na sa katotohanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-23-31-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ang susi ng pagkakasundo ng dalawang hindi nagkakaunawaan dahil ikaw ang mamamagitan upang maging maayos ang lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-19-24-30-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang tumulad sa iba na ang lumayo sa iyo ay hinahanap-hanap pa. Mas magandang ang mga lumalapit sa iyo ay pag-aralan mo ang pagkatao kung bagay kayo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-27-33-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ka ngayon pero mahina ka rin. Ang lakas mo ay nasa itinatakbo ng buhay mo habang ang kahinaan mo ay nasa tukso na nagbabalikan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-29-35-40-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalalayan ka ng langit kahit sa totoo lang ay madami kang pagkukulang at kahinaan. May pagkakataon na ang nasa itaas ay nakatingin sa kalooban at malinis na puso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-8-17-26-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali kang maakit ng akala mo ay sa kanya ka masaya. Totoong sasaya ka, pero hanggang doon lang ‘yun, na ang ibig sabihin, ang kinabukasan mo ay hindi ginagarantiyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-13-22-31-40-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang problema sa iyong harapan dahil kusa rin itong mawawala. Mas magandang ang tutukan mo ay kung paano mapabibilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-16-20-29-34.




Comments