Horoscope | January 16, 2024 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 16, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 16, 2024 (Martes): Mas maganda na mas madalas kang lumayo sa bayan na iyong sinilangan dahil sa ganitong paraan, magbabalikan ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Matalas ang iyong isipan ngayon. Ang mga problema na akala mo’y walang solusyon ay mahahanapan mo ng tamang paraan para malutas. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-08-12-18-21-27.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka munang kumilos kapag may nabuo kang negatibong kaisipan. Ikonsidera mo ang ilang personal na bagay tulad ng selos, galit at pag-ibig. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-15-24-33-38-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Habang kumikilos ka, sabayan ito ng pag-iisip. Sa ganitong paraan, mas mapabibilis ang katuparan ng inaasam-asam mong tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-17-23-26-34.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbababala ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na maaaring madaya mo ang iyong sarili kung saan mapaniniwala ka sa hindi naman puwedeng magkatotoo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-9-11-19-29-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Marami ang naniniwala sa iyo, kaya ingatan mong makapagsalita ng hindi totoo. Paniniwalaan nila ito basta ang nagsasabi ay ikaw mismo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-22-34-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magkakanlong ang araw sa ulap dahil sa masasaksihang hindi magagandang ginagawa ng ilang malalapit sa iyo. Maaaring mahalata mo ito at kapag ganu’n ang nangyari, agad kang umiwas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-19-21-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagkalat ngayon ang mga mandaraya. Sasabihin nilang asul ang kulay pula. Marami ang maniniwala at puwede kang mapabilang sa kanila. Mag-ingat ka sa mga makakausap mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-18-22-26-33-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag ka agad maniwala kahit magaganda ang mga salita na tungkol sa iyo. Tandaan mo na palaging maganda ang salita ng mga mandaraya sa kanilang dadayain. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-15-23-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gamitin mo ang iyong mayamang imahinasyon kung paano mapagaganda ang takbo ng iyong buhay. Iwasan mong magamit ito sa paglikha ng mga multo na katatakutan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-17-27-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang nahahawakan mo ay ang katotohanan. Ang naiisip palang ay puwedeng hindi magkatotoo. Maging praktikal ka at huwag na huwag mong dayain ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-15-26-34-38-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit gumastos ka, pasasayahin mo ang iyong madalas na nakakasama at nakakakuwentuhan. Kahit kailan, sa lahat ng panahon, hindi puwede ang mga taong ganu’n sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-13-19-22-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakawalan mo ang negatibong bagay na imbento lang ng iyong isipan. Ang pamamalagi nila sa iyo ay hindi magdadala ng maganda kundi magiging sanhi pa ng pag-atras ng iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-16-22-25-31-34.




Comments