Horoscope | January 15, 2024 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 15, 2024
Sa may kaarawan ngayong Enero 15, 2024 (Lunes): Kahit magkamali ka, kikilos pa rin ang kapalaran para gumanda ang iyong buhay. Ganito ka kamahal ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin mo ang mga gawain na kung saan sasaya ka. Maging sa tao, piliin mo rin ang nagpapasaya sa iyo. Kunsabagay, bakit nga ba gugustuhin ng tao ang kalungkutan? Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto–3-18-27-36-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Talo mo ang iyong mga karibal, kakumpitensiya at kaaway, pero mangyayari lang ito kung kikilos ka. Paano mo sila tatalunin kung wala ka namang gagawin? Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto–6-15-19-21-28-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Muli, inspirasyon ang iyong kailangan. Minsan ay mahirap maunawaan na higit sa isa ang dapat na inspirasyon nang sa gayun ay magtuluy-tuloy ang daloy ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto–5-14-18-24-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbalik ang karisma mo at mas malakas ito kaysa sa dati. Bigla ring magbabalikan ang mga umalis sa buhay mo, pero kailangang may natutunan ka mula sa kanilang ginawa noon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto–2-11-17-20-29-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakasisira ng buhay ang tukso at ang inspirasyon naman ay nakabubuti sa takbo ng buhay. Wala nang mas maganda pa sa araw na ito kundi alam mo ang kaibahan ng dalawang ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto–1-8-12-19-25-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang lalapit at didikit sa iyo ang isang naakit sa kakaibang talino mo. Matalino rin siya, kaya lang, nakakaintriga ang binibitawan mong salita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto–5-17-23-26-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong mga kahilingan, kaya gawin mo itong simple at direkta ang pagsasabi. Huwag mo na itong haluan pa ng kung anu-anong dekorasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto–4-17-28-39-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong iasa sa iba ang iyong buhay. Ito ang lagi mong isipin, itanim mo sa iyong ulo at itali mo sa iyong daliri nang hindi mo makalimutan habang ikaw ay nabubuhay. Masuwerteng kulay-lavander. Tips sa lotto–9-12-24-33-36-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itabi at ‘wag mo munang gagalawin ang maliit na suwerteng mapasasaiyo. May paparating pa at kapag malaki na, ilagay mo ito sa magandang pagkakakitaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto–6-15-18-21-30-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maging mapanuri at magpag-obserba ka. Sa ganitong paraan, hindi ka na muling mabibigo. Aayawan agad ang mga kumikilos at nagsasalita nang may mga pabirong pagnanasa sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-16-19-29-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang aalis ngayon sa iyong kinalalagyan, sa trabaho man o tirahan. Ang mga suwerte ay hinahanap ka noon pa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-11-13-26-28-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaibang sigla at ligaya ang iyong madarama. Huwag mong akalain na ito ay senyales na hinihiling mo sa buhay pag-ibig. Ito ay senyales na gaganda na ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-19-22-29-34-37.




Comments